Joseph Bitangcol, nagsalita na tungkol sa kaniyang ex-girlfriend na si Sandara Park
- Mariing ipinagtanggol ng aktor na si Joseph Bitangcol ang kaniyang dating kasintahan na si Sandara Park laban sa mga kumakalat na maling impormasyon
- Ayon kay Joseph ay imposible ang mga alegasyong ibinabato sa K-pop star dahil kilala niya ang pagkatao at mga prayoridad nito sa buhay
- Binigyang-diin ng aktor na ang focus ni Sandara ay palaging nasa kaniyang trabaho at pamilya simula pa noong sila ay magkasama sa Pilipinas
- Nag-ugat ang usapin matapos maglabas ng isang sensitibong pahayag ang dating kasamahan ni Sandara sa grupong 2NE1 na si Park Bom
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi nag-atubili ang aktor na si Joseph Bitangcol, 41, na ipagtanggol ang kaniyang dating kasintahan na si Sandara Park, 41, sa gitna ng mainit na usaping kinasasangkutan nito. Sa harap ng ilang miyembro ng media, mabilis na pinabulaanan ni Joseph ang mga negatibong bali-balita na nag-uugnay kay Sandara sa mga ilegal na gawain.

Source: Facebook
Nagsimula ang lahat nang maglabas ng pahayag si Park Bom, na naging kasamahan ni Sandara sa iconic group na 2NE1, kung saan tila idinamay ang pangalan ng singer sa isang kontrobersya. Bagama't itinanggi na ito ni Sandara noon at binura na rin ni Park Bom ang kaniyang post, marami pa rin ang naging kuryoso sa katotohanan. Dito na pumasok ang matapang na pahayag ni Joseph.
“For me, imposible, imposible,” mabilis na sagot ni Joseph. Ipinaliwanag niya na dahil sa tagal ng kanilang pinagsamahan ay kampante siya sa kaniyang mga sinasabi. “Kasi, matagal ko rin siyang nakasama. At siyempre, ang masasabi ko, kilala ko ang pagkatao nun. Yung sacrifice niya para sa family niya. Kaya tumanda siya na talagang naka-focus sa trabaho, sa family at sa career.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naniniwala si Joseph na hindi kailanman papasok sa isip ni Sandara ang gumawa ng mga bagay na makakasira sa kaniyang imahe at pamilya. “I’m sure, hindi niya gagawin yon. Yosi nga lang ang hirap pa-take, dr*gs pa. I’m sure, 100%, na hindi niya gagawin yon,” dagdag pa ng aktor.
Matatandaang sina Joseph at Sandara ay nagkakilala noong 2004 sa reality show na Star Circle Quest. Sila ay naging magkasintahan sa loob ng tatlong taon bago nagpasyang maghiwalay nang lumipad si Sandara patungong South Korea para simulan ang kaniyang karera bilang K-pop idol. Sa kabila ng pagdaan ng maraming taon, nananatili ang respeto at tiwala ni Joseph sa kaniyang tinaguriang tanging "publicly admitted" boyfriend sa Pilipinas.
Ang pagtatanggol na ito ni Joseph ay dumating sa panahong marami ring pagbabago ang nagaganap sa propesyonal na buhay ni Sandara Park.
Abyss Company, kinumpirma ang pagtatapos ng kontrata ni Sandara Park. Matapos ang ilang taong matagumpay na kolaborasyon, pormal nang inanunsyo ng Abyss Company na hindi na magpapatuloy ang kanilang kontrata kay Sandara Park. Ayon sa kumpanya, naging karangalan para sa kanila na makasama ang idolo at suportado nila ang anumang tatahaking landas nito sa hinaharap. Marami ang nag-aabang kung ano ang susunod na hakbang ng aktres matapos ang mahalagang kabanatang ito sa kaniyang karera.
Sandara Park, binasag ang katahimikan sa mabibigat na akusasyon ni Park Bom. Sa kabilang banda, naging matapang din si Sandara sa pagharap sa mga isyung ibinabato sa kaniya kamakailan. Sa kaniyang naging sagot sa mga akusasyon ni Park Bom, ipinakita niya ang kaniyang maturity at paninindigan sa kaniyang dangal. Nagpaabot pa rin siya ng mabuting hangarin para sa kaniyang dating kagrupo sa kabila ng gulo na idinulot ng mga naging pahayag nito online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

