Andre Yllana, may nakakatuwang hirit sa TikTok moments nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc

Andre Yllana, may nakakatuwang hirit sa TikTok moments nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc

  • Nagbahagi ng kaniyang saloobin si Andre Yllana tungkol sa kasalukuyang namamagitan sa kaniyang ina na si Aiko Melendez at sa aktor na si Onemig Bondoc
  • Inamin ng binata na bagama’t masaya siya para sa kaniyang mommy ay may mga pagkakataon na nakakaramdam siya ng selos at katuwaang "cringe" sa dalawa
  • Ibinunyag din ni Andre na maayos ang kaniyang pakikitungo kay Onemig dahil sa kanilang mga common interests at pinagdadaanan sa buhay
  • Matatandaang kamakailan lang ay naging bukas na sa publiko ang dalawang batikang aktor tungkol sa kanilang espesyal na ugnayan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mukhang punong-puno ng pag-ibig ang paligid para sa aktres at Quezon City Councilor na si Aiko Melendez. At sino pa nga ba ang unang makakapansin nito kundi ang kaniyang hands-on na anak na si Andre Yllana. Sa isang kamakailang press conference, hindi nakaligtas ang binata sa mga tanong tungkol sa blooming na lovelife ng kaniyang mommy kasama ang aktor na si Onemig Bondoc.

Read also

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, may inamin tungkol sa relasyon ni Mavy at Ashley

Andre Yllana, may nakakatuwang hirit sa TikTok moments nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc
Andre Yllana, may nakakatuwang hirit sa TikTok moments nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc (📷Andre Yllana/Facebook)
Source: Instagram

Ayon kay Andre, ramdam na ramdam niya ang saya ng dalawa kaya naman hindi niya mapigilang magbiro tungkol sa atensyong nakukuha ni Onemig mula sa kaniyang ina. "Napapa-sana all na nga lang po ako, e. Kasi happy po talaga sila," pahayag ni Andre. Dagdag pa niya habang nagpapatawa, "Diyos ko po, hindi ko na nakikita si mommy. Nagseselos na ako."

Hindi rin itinago ni Andre na may mga pagkakataong tila "naki-cringe" siya kapag nakikita ang pagiging sweet ng dalawa, lalo na sa social media. "Aaminin ko minsan, oo. Pero okay naman. [...] Kapag nagti-TikTok sila ng mga kantahan nila. Pero, de, this must be love," nakangiting saad ng aktor. Sa kabila ng asaran, kitang-kita ang suporta ni Andre dahil nakikita niyang muling sumisigla ang kaniyang ina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andre ay anak ni Aiko sa dating asawa na si Jomari Yllana. Sa kabila ng kanilang family history, naging mabilis ang pag-adjust ni Andre kay Onemig dahil marami silang napag-uusapan, kabilang na ang tungkol sa "daddy issues" kung saan nakaka-relate umano ang aktor sa kaniya. Matatandaang noong Enero lang ay kinumpirma ni Onemig ang kaniyang panliligaw kay Aiko, na kalaunan ay nauwi rin sa isang masayang relasyon.

Read also

Jose Manalo, binalikan ang pinakamemorable na karanasan na hanggang ngayon ay "nanunuot" pa rin

Dahil sa magandang takbo ng buhay ni Andre ngayon, mas nagiging bukas na rin siya sa pagbabahagi ng mga detalye tungkol sa kaniyang pamilya at mga pangarap sa industriya.

Sa isang panayam, masusing idinetalye ni Andre Yllana kung paano nagbago ang aura ng kaniyang ina simula nang dumating ang isang espesyal na tao sa buhay nito. Ayon sa kaniya, malaki ang naitutulong ng suportang nakukuha ni Aiko sa kaniyang trabaho bilang lingkod-bayan at aktres. Masaya ang binata dahil nakikita niyang balanse na muli ang personal na buhay at career ng kaniyang mommy.

Ibinahagi naman ni Andre ang kaniyang hangarin na makasama sa isang proyekto ang kaniyang mga magulang sa hinaharap. Sa kabila ng kanilang nakaraan, nananatiling propesyonal at positibo ang pananaw ng binata para sa kaniyang career. Nais niyang patunayan na kaya niyang gumawa ng sariling pangalan habang baon ang mga aral mula sa kaniyang mga batikang magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate