Divorce nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan, opisyal na matapos ang desisyon ng korte sa Amerika

Divorce nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan, opisyal na matapos ang desisyon ng korte sa Amerika

  • Kinumpirma ni Aiai Delas Alas na pinal na ang divorce nila ni Gerald Sibayan matapos magbahagi ng screenshot ng balita tungkol sa kanyang status
  • Ang legal na dokumento ay inilabas ng Superior Court of California noong Marso 9, 2026 matapos ang petisyong inihain ng aktres noong nakaraang taon
  • Nagpahayag ng halo-halong emosyon ang Comedy Queen sa pagtatapos ng kanilang kasal at sa pagbitaw sa sinumpaang pangako sa harap ng Maykapal
  • Binawi rin ng aktres ang Petition for Alien Relative para kay Gerald Sibayan kasabay ng proseso ng kanilang divorce dahil sa isyu ng third party

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa gitna ng pagdiriwang ng panibagong simula, ibinahagi ng tinaguriang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas ang balitang legal na siyang single. Nitong Martes, March 10, masayang ibinalita ng aktres sa kanyang Instagram post ang panibagong yugto ng kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-upload ng screenshot ng balita na nagpapatunay na tapos na ang divorce nila ni Gerald Sibayan.

Read also

Carlo Aquino, may inamin tungkol sa kanilang mabilis na dating period

Divorce nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan, opisyal na matapos ang desisyon ng korte sa Amerika
Divorce nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan, opisyal na matapos ang desisyon ng korte sa Amerika (đź“·AiAi Delas Alas /Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa dokumentong ibinahagi, pormal nang natanggap ni Aiai ang desisyon mula sa Superior Court of California, County of San Joaquin, nitong March 9, 2026. Ang divorce na ito ay matagal nang inihain ng aktres noong Marso 2025, matapos ang kanilang masakit na paghihiwalay noong October 2024.

Sa kanyang post, hindi naiwasan ni Aiai na maging emosyonal tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon. “Re starting my life ... reboot ..Opisyal na akong single,” saad ng aktres sa kanyang caption. Bagama’t masaya siya sa kanyang kalayaan, inamin niyang may kaunting lungkot dahil sa divorce at sa hindi pagkakatuloy ng kanilang sumpaan bilang mag-asawa. “Masaya ako kasi single na 'ko. Malungkot ako kasi bumitaw ako sa pangako sa harap ng Panginoon. Wala na kasi akong kakapitan kasi bumitaw na yung isa.. sorry po Lord bumitaw ako sa sinumpaan ko,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa paglabas ng divorce decree, inihayag din ni Aiai na binawi na niya ang Petition for Alien Relative na una niyang inihain para kay Gerald sa U.S. Citizenship and Immigration Services. Ang hakbang na ito ay bahagi ng kanyang desisyon na mapawalang-bisa ang green card ng dating asawa matapos niyang madiskubre ang pagkakaroon ng third party sa kanilang relasyon, na naging mitsa ng kanilang paghihiwalay.

Read also

Benjie at Andre Paras, nagsalita na tungkol sa pagkakasangkot ni Kobe sa kumakalat na video

Si Aiai at Gerald ay ikinasal noong 2017 at muling nag-renew ng kanilang vows noong 2022 sa Las Vegas. Sa kabila ng pitong taong pagsasama, naging matatag ang aktres sa pagpili sa kanyang sariling katahimikan at healing sa pamamagitan ng divorce. Ngayong 2026, nakatutok ang aktres sa pagbuo muli ng kanyang sarili at sa mga bagong proyektong naghihintay sa kanyang career bilang isa sa mga iginagalang na komedyante sa bansa.

Sa ulat na ito, matapang na ibinahagi ni Aiai Delas Alas ang mga dahilan sa likod ng kanilang hiwalayan ni Gerald Sibayan. Inamin ng aktres ang sakit na naramdaman at ang proseso ng pagtanggap na kailangan na niyang unahin ang kanyang sariling kapakanan. Mababasa rito ang detalye ng kanilang naging huling pag-uusap bago ang pormal na paghahain ng divorce sa Amerika.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang isang video kung saan tampok si Aiai Delas Alas sa isang sorpresang okasyon. Sa gitna ng kanyang pinagdaraanan, ipinakita ng aktres ang kanyang suporta sa mga taong nagmamahalan, na naging dahilan upang umani siya ng papuri mula sa mga netizens. Ang naturang viral video ay nagbigay ng liwanag sa positibong pananaw ng aktres sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang personal na buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate