Cielo Mae Eusebio, nagsalita na sa gitna ng pagsubok sa kanilang pamilya
- Binasag ni Cielo Mae Eusebio ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng isang madamdaming post sa Facebook matapos ang pag-amin ng kanyang asawa
- Inamin ng ginang na labis ang sakit na kanyang nararamdaman sa bawat araw ngunit pinipili niyang manatili para sa kapakanan ng kanilang pamilya
- Nanawagan siya sa publiko na iwasan ang pagiging malupit sa pagbibigay ng komento at respetuhin ang kanyang desisyon bilang asawa
- Naniniwala si Cielo na sa tulong ng pananalig sa Diyos ay posible pa rin ang paghilom at restorasyon ng kanilang nasirang tiwala
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa gitna ng mainit na usap-usapan tungkol sa pag-amin ng aktor na si Nikko Natividad sa isang nakaraang pagkakamali, hindi na nakatiis ang kanyang asawang si Cielo Mae Eusebio na maglabas ng kanyang saloobin. Sa isang mahabang Facebook post, ipinaliwanag ni Cielo ang hirap ng kanyang pinagdadaanan habang pilit na itinataguyod ang kanilang pamilya.

Source: Facebook
Hindi itinago ni Cielo ang bigat ng kanyang nararamdaman. Ayon sa kanya, hindi siya nagpapanggap na walang nangyari dahil ramdam niya ang hapdi sa bawat araw. “I just want to say this from my heart. I’m not pretending like nothing happened. I feel the pain every single day. Masakit na masakit. I acknowledge his mistakes and I know this is something that could have been avoided,” saad niya sa kanyang post.
Sa kabila ng mga udyok ng iba na iwan ang asawa, nilinaw ni Cielo na mayroon siyang pagpipilian, at pinili niyang magpatuloy. Binigyang-diin niya na ang kanyang desisyon ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang buong pamilya. Alam niya umanong mahirap ibalik ang tiwala, ngunit handa siyang dumaan sa proseso ng paghilom habang ang kanyang asawa ay umaako sa responsibilidad ng kanyang ginawa.
“Trust is hard to rebuild. Alam na alam ko na yan. It will take time, consistency, and real change. My husband will take responsibility for what he did, and while he does that, ang focus ko ang sarili ko ang pagheheal ng puso’t isipan ko,” dagdag pa ni Cielo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naging emosyonal din ang kanyang pakiusap sa mga netizens na maging mabuti at iwasan ang panghuhusga. Aniya, tanging sila lamang ang nakakaalam ng tunay na lalim ng kanilang pagmamahalan sa likod ng mga camera. Para sa kanya, ang kanilang pag-ibig ay nasubok at nadumihan, ngunit hindi ito nangangahulugang nawala na ito nang tuluyan.
Si Cielo Mae Eusebio ay matagal nang katuwang ni Nikko Natividad sa buhay, bago pa man ito sumikat sa industriya. Kilala sila sa social media bilang isang "goals" na mag-asawa dahil sa kanilang mga nakakatawa at sweet na videos. Sa gitna ng matinding unos na ito, ipinapakita ni Cielo ang katatagan ng isang asawa na handang lumaban para sa kaayusan ng kanyang tahanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
“I don’t know what else to say except please… be KIND. Pinipili naming ayusin. Pinipili naming magpakatatag. Pinipili naming protektahan ang pamilya namin,” pagtatapos ng kanyang pahayag.
Related News
Matapos ang naging viral na post ni Cielo, muling binalikan ng marami ang naging emosyonal na pag-amin ni Nikko Natividad sa kanyang pagkakamali. Sa ulat ng Kami.com.ph, inilahad ng aktor ang kanyang matinding pagsisisi at ang takot na nararamdaman para sa kanyang pamilya noong lumabas ang isyu.
Sa kabilang banda, bumuhos naman ang suporta mula sa mga kasamahan sa showbiz para sa mag-asawa simula nang pumutok ang balita. Ayon sa report, ilang sikat na personalidad ang nagpahayag ng kanilang panalangin at positibong mensahe para kay Nikko upang malampasan ang pagsubok na ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

