Nikko Natividad, emosyonal na inamin ang pagkakamali sa kanyang pamilya
- Inamin ng aktor na si Nikko Natividad na siya ang nasa kumakalat na video scandal matapos ang ilang panahon ng pananahimik
- Ayon sa aktor ay nangyari ang nasabing insidente sa pagitan ng taong 2023 at 2024 habang sila ay may pinagdadaanan ng kanyang asawa
- Nagpahayag ng matinding pagsisisi ang aktor lalo na’t nangyari ang pagkalat ng video isang araw matapos ang kanilang 12th anniversary
- Handa umanong harapin ni Nikko ang anumang kahihinatnan ng kanyang pagkakamali at nanindigang hindi ito pagsubok ng Diyos kundi sarili niyang gawa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang eksklusibong panayam sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na in-upload nitong Biyernes, March 6, 2026, matapang na hinarap ni Nikko Natividad ang isyung matagal nang pinag-uusapan sa social media. Diretsahang inamin ng aktor na siya ang lalaking nakita sa mga kumakalat na pribadong video na naging mitsa ng espekulasyon ng marami.

Source: Youtube
Ayon kay Nikko, nangyari ang insidente noong taong 2023 hanggang 2024. Ipinaliwanag niya na walang sapat na dahilan para bigyang-matwid ang kanyang nagawa, kahit pa may mga pagkakataong nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang asawang si Cielo Mae Eusebio.

Read also
Anne Curtis, may makahulugang post matapos ang kontrobersyal na pahayag ng isang mambabatas
“Sabi ko nga po, walang words na puwedeng magpabawas o mag-cover up sa nagawa ko. Na kasi nag-aaway kami ng asawa ko, kasi lasing ako, kasi may tampuhan kami. Wala. Lahat ng ginawa ko is mali. Sa madaling salita, sabi ko sa wife ko, nademonyo ako, natukso, bumigay ako,” pahayag ni Nikko sa interview.
Ibinahagi rin ng aktor na noon pa man ay may kutob na siyang lalabas ang nasabing video dahil nalaman niyang ibinebenta na ito sa mga messaging apps gaya ng Telegram noong nakaraang taon. Aminado siyang sinubukan niyang patagalin ang pag-amin dahil sa takot na mawala ang kanyang pamilya, lalo na’t nakikita na umano ng kanyang asawa ang unti-unti niyang pagbabago bilang tao.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naging emosyonal ang aktor nang balikan ang sandali kung kailan tuluyan nang nag-viral ang video. Nagkataon pa umanong nangyari ito isang araw matapos ang kanilang pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo bilang magkapareha. Sa kabila ng takot na mawala ang kanyang career, mas naging prayoridad niya ang kaligtasan ng kanyang relasyon sa asawa at mga anak.
“Nagmamakaawa ako sa Kanya. Nakikipag-areglo ako sa Kanya na, 'Alisin mo na kung ano ang trabaho ko, anong meron ako ngayon, spare mo lang sa akin yung mag-ina ko at saka mga anak, please.' Pero noong umaga, lumabas pa rin. Sabi ko, 'Wala, kailangan kong pagdaanan ito kasi ginawa ko ito,'” dagdag pa ng aktor.
Si Nikko Natividad ay unang nakilala sa industriya bilang grand winner ng Gandang Lalaki sa It’s Showtime at naging miyembro ng grupong Hashtags. Bukod sa pagiging TV personality, naging aktibo rin siya sa paggawa ng mga comedy skits at vlogs kasama ang kanyang pamilya, kung saan madalas niyang itampok ang masayang pagsasama nila ni Cielo Mae.
Sa gitna ng kontrobersyang ito, maraming mga kasamahan sa industriya at mga tagahanga ang naghihintay sa susunod na hakbang ng aktor para ayusin ang kanyang personal na buhay.
Bago ang pag-amin na ito, naging laman din ng balita ang naging pagkikita ni Nikko at ng batikang broadcaster na si Raffy Tulfo. Sa ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Nikko ang kanyang positibong karanasan at ang hindi inaasahang pagtatagpo nila ng senador sa isang event.
Samantala, matapos lumabas ang ilang usap-usapan online, nag-post si Nikko sa kanyang social media account na agad namang dinumog ng suporta mula sa kanyang mga kapwa celebrity. Marami ang nagpaabot ng mensahe ng pagpapatatag para sa aktor sa gitna ng mga batikos na kanyang natatanggap.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
