Kampo ni Sandara Park naglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa mga alegasyon ng dating kagrupo

Kampo ni Sandara Park naglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa mga alegasyon ng dating kagrupo

  • Naglabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Sandara Park matapos siyang idawit ni Park Bom sa usapin ng paggamit ng pinagbabawal na gamot
  • Mariing itinanggi ng aktres ang mga akusasyon at sinabing walang basehan ang mga hinalang ibinato laban sa kaniya
  • Nagpahayag ng matinding pag-aalala si Sandara para sa kasalukuyang kalagayan at kalusugan ng kaniyang dating kasamahan sa 2NE1
  • Nag-ugat ang gulo matapos mag-post si Park Bom ng mga pahayag na nag-uugnay kay Sandara sa kaniyang nakaraang legal na isyu noong 2010

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling niyanig ang mundo ng K-pop matapos maglabas ng pahayag ang kampo ni Sandara Park hinggil sa mga seryosong akusasyong ibinato sa kaniya ng kapwa miyembro sa 2NE1 na si Park Bom. Sa gitna ng gulat ng mga fans, sinagot ng panig ni Sandara ang mga hinalang nag-uugnay sa kaniya sa paggamit ng ilegal na droga.

Kampo ni Sandara Park naglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa mga alegasyon ng dating kagrupo
Kampo ni Sandara Park naglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa mga alegasyon ng dating kagrupo (đź“·@daraxxi/IG)
Source: Instagram

Ayon sa naging tugon ng panig ni Sandara Park, “The claim is baseless, and Sandara Park is concerned about Park Bom’s current health.” Maikli ngunit direkta ang naging sagot na ito upang linawin na walang katotohanan ang mga sinabi ni Park Bom sa kaniyang social media post noong ika-3 ng buwan. Sinabi ni Park Bom na ginamit lamang siya para pagtakpan ang umano’y mas malalim na isyu ni Sandara, na mariing pinabulaanan ng huli.

Read also

Ron Angeles, binasag ang katahimikan sa social media

Matatandaang noong Oktubre 2010, naging sentro ng kontrobersya si Park Bom dahil sa pagdadala ng psychotropic drug na “Adderall” mula sa Amerika nang hindi idinedeklara sa customs. Bagama't may mga sangkap itong itinuturing na bawal na gamot sa South Korea, nakapagsumite si Park Bom ng mga medical records at prescriptions na nagpapatunay na ginagamit niya ito para sa kaniyang gamutan, dahilan upang bigyan siya ng suspended indictment noon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng nakababahalang post ang singer. Nitong 2025 lamang ay naghain siya ng demanda laban kay Yang Hyun Suk ng YG Entertainment dahil sa usapin ng settlement, na nagdulot din ng samu’t saring reaksyon mula sa publiko.

Ang 2NE1, na binubuo nina Sandara, Park Bom, CL, at Minzy, ay isa sa mga pinakasikat na girl groups sa kasaysayan ng K-pop. Kilala sila sa kanilang "girl crush" concept at mga hits na naghari sa charts. Sa kabila ng paghihiwalay ng grupo noon, nanatiling malapit ang mga miyembro sa isa’t isa sa paningin ng publiko, kaya naman lalong naging masakit para sa mga Blackjack (tawag sa kanilang fans) ang kasalukuyang iringan ng dalawa.

Bago pa man ang mainit na usaping ito, naging tampok din sa mga balita ang magandang samahan ng mga Pinoy at Korean stars. Noong nakaraang taon, nag-trending ang post ni Anne Curtis para sa kaarawan ni Sandara Park kung saan ipinakita ang kanilang matagal nang pagkakaibigan simula noong nasa Pilipinas pa ang K-pop star.

Read also

Claudine Barretto, may matapang na bwelta sa isang "ex" na nais umanong makipagbalikan

Samantala, naging usap-usapan din ang pinagmulan ng kasalukuyang hidwaan nang unang mag-post si Park Bom ng kaniyang mga saloobin online. Dito niya unang inilahad ang kaniyang hinanakit at ang alegasyon na na-frame lamang siya upang maprotektahan ang reputasyon ni Sandara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate