Reaksyon ni Bianca Gonzalez sa hirit ni Rep. Bong Suntay, viral

Reaksyon ni Bianca Gonzalez sa hirit ni Rep. Bong Suntay, viral

  • Binatikos ng TV host na si Bianca Gonzalez ang naging pahayag ni Quezon City Rep. Bong Suntay sa gitna ng isang pagdinig sa Kamara
  • Tinawag ni Gonzalez na "disgusting" ang naging pagtukoy ng mambabatas na si Suntay sa aktres na si Anne Curtis bilang halimbawa sa kanyang argumento
  • Ipinasura ng ilang mambabatas ang mga nasabing pahayag ni Suntay sa record ng House committee on justice dahil sa pagiging sensitibo nito
  • Iginiit ni Suntay na walang malisya ang kanyang sinabi habang ipinapaalala naman ng ibang kongresista ang paggalang sa kababaihan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging matapang na pahayag ng kilalang TV host na si Bianca Gonzalez laban kay Quezon City Rep. Bong Suntay. Ito ay matapos magbitiw ng mambabatas ng mga salitang itinuturing ng marami na hindi nararapat, lalo na sa loob ng isang pormal na pagdinig sa Kamara.

Reaksyon ni Bianca Gonzalez sa hirit ni Rep. Bong Suntay, viral
Reaksyon ni Bianca Gonzalez sa hirit ni Rep. Bong Suntay, viral (đź“·@iamsuperbianca/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang X post, hindi itinago ni Bianca ang kanyang pagkadismaya sa inasal ng kongresista. Aniya, "Please let us NOT NORMALIZE THIS BEHAVIOR. DISGUSTING, especially for a public servant." Ang reaksyong ito ay kasunod ng naging pagbanggit ni Suntay sa aktres na si Anne Curtis habang tinatalakay ang impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Read also

Zeinab Harake, ibinahagi ang dahilan kung bakit papasukin na ang mundo ng modeling

Naganap ang insidente nitong Martes sa hearing ng House committee on justice. Sinusuri noon ni Suntay ang mga alegasyon ng sedisyon laban sa bise presidente dahil sa presensya nito sa mga rally. Bilang depensa, ginamit ni Suntay ang pangalan ni Anne Curtis upang ipaliwanag na ang "imahinasyon" o naiisip ng isang tao ay hindi dapat maging basehan ng kaso.

Ayon sa mambabatas, "Lastly, you know, once when I was in Shangri-La, I saw Anne Curtis. She is really beautiful. You know, a desire inside me welled up, I felt the heat, and I just imagined what could happen, but of course, that is only my imagination. But I think I cannot be charged for what I was able to imagine."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, agad na umaksyon si San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora at hiniling na burahin ang mga nasabing salita sa record ng hearing. Bagama't nag-object si Suntay at sinabing, "There is nothing séxual in what I said, nothing immoral. It’s just, I said, I imagined something. I think there is nothing wrong," hindi ito tinanggap ng kanyang mga kasamahan.

Ipinaalala ni Zamora na National Women’s Month ngayon at hindi nararapat ang mga ganitong biro o pahayag mula kay Suntay. Sinegundahan din ito ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. at ng chairperson na si Batangas Rep. Gerville Luistro, na nagsabing lumalagpas na sa hangganan ang mga salitang nakakasakit sa sensibilidad ng mga miyembro.

Read also

MG, kinuwestiyon ang impormasyong nakarating kay Senator Raffy Tulfo

Si Bianca Gonzalez ay kilala bilang isang advocate para sa karapatan ng kababaihan at madalas magpahayag ng opinyon sa mga isyung panlipunan. Bilang isang beteranang host at ina, aktibo siya sa pagpapaalala sa kanyang mga followers tungkol sa respeto at tamang pagtrato sa kapwa.

Bago ang kontrobersiyang ito, naging laman din ng balita si Bianca dahil sa kanyang mga makabuluhang posts tungkol sa kanyang personal na buhay at karera.

Nagbahagi kamakailan si Bianca Gonzalez ng isang nostalgic post kung saan binalikan niya ang kanyang 20-year journey sa industriya. Ipinakita niya ang mga mahahalagang alaala mula sa kanyang pagsisimula hanggang sa maging isa sa mga pinaka-respetadong host sa bansa. Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga naging bahagi ng kanyang tagumpay sa loob ng dalawang dekada.

Bukod dito, naging viral din ang post ni Bianca tungkol sa "time theory"na talagang umantig sa puso ng maraming netizens. Sa kanyang mensahe, tinalakay niya kung gaano kabilis lumipas ang panahon lalo na para sa mga magulang na nakikita ang paglaki ng kanilang mga anak. Maraming mga fans ang naka-relate sa kanyang pagninilay tungkol sa pagpapahalaga sa bawat sandali kasama ang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate