Zeinab Harake, ibinahagi ang dahilan kung bakit papasukin na ang mundo ng modeling
- Pinarangalan si Zeinab Harake bilang Empowered Woman of the New Media Generation sa Global Filipino Icon Awards 2026 na ginanap sa Dubai kamakailan
- Ibinahagi ng vlogger ang kanyang pasasalamat sa asawang si Bobby Ray Parks Jr. dahil sa pag-alalay nito sa pamilya na nagbibigay sa kanya ng oras para sa mga bata at bagong career
- Inihayag ng 27-anyos na celebrity ang kanyang plano na pasukin ang international modeling at nakatakda siyang lumipad patungong Paris para sa isang mahalagang fashion event
- Sa kabila ng pagiging abala sa mga proyekto at awards ay siniguro ni Zeinab na prayoridad pa rin niya ang pagiging isang housewife at hands-on na ina sa kanyang dalawang anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi na lang sa vlogging namamayagpag ang sikat na social media personality na si Zeinab Harake-Sparks. Matapos kilalanin bilang Empowered Woman of the New Media Generation sa Dubai noong nakaraang buwan, mukhang handa na ang Fil-Lebanese beauty na sakupin ang international runway.

Source: Facebook
Sa kanyang pagharap sa media sa paglulunsad sa kanya bilang celebrity ambassador ng Jennie Moon facial care, masayang ibinahagi ni Zeinab kung paano nagbago ang kanyang takbo ng buhay simula nang ikasal sila ng basketbolistang si Bobby Ray Parks Jr. noong Hunyo. Ayon sa kanya, malaki ang tulong ng kanyang asawa upang magkaroon siya ng balanse sa pagitan ng trabaho at pamilya.
“Vlogs lang naman talaga ‘yung focus ko especially after the wedding. Kasi nung kasal, parang dati the whole time, work ako ng work, ngayong kasi medyo nakakatulong na sa ‘kin si Daddy Ray financially, so meron na akong time for the kids. Hindi nalang ako content creator; I’m a housewife also, so bahay talaga with mga bata. Ang hirap pagsabay-sabayin lahat. ‘Pag pasok ng 2026 sabi ko talaga, grabe si Lord. Mas busy ako this 2026 kahit kaka-start pa lang nung year compared last year,” kuwento ni Zeinab.

Read also
Rabiya Mateo, may mahalagang paliwanag kung bakit 'healing' ang prayoridad ngayon kaysa sa pag-ibig
Bukod sa pagiging hands-on na ina, excited din si Zeinab sa kanyang pagsabak sa modeling. Katunayan, nakatakda siyang pumunta sa Paris ngayong buwan para sa isang espesyal na event. Aminado ang vlogger na dati ay pangarap niyang maging beauty queen, ngunit mas pinili niyang mag-focus sa pagmomodelo dahil sa kanyang height.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Galing akong Dubai, nag-Global Awards ako at Global Magazine Cover ako. May aabangan kayo kasi nasa Paris ako. Hindi lang ito bast—basta, a-attend tayo sa event so abangan nyo na lang. ‘Yun ‘yung pinakani-lu-look forward ko and sunod-sunod kasi ‘yung mga nakukuha na ako sa mga runway. So ‘yun ‘yung talagang mas ginugusto kung i-pursue ngayon at hindi lang vlogging. Gusto ko rin talagang magmodel hangga’t kaya maitago ang mga dapat itago (laughs). Kasi sayang ang height! Gusto ko din sana mag-beauty queen kaya lang ‘di talaga kaya ng brain cells, so model na lang tayo para walang imik (laughs),” pabirong pahayag niya.
Bagama't marami ang natatanggap na alok sa ibang bansa tulad ng sa Milan, pinipili rin ni Zeinab ang kanyang mga schedule dahil sa hirap na iwan ang kanyang mga anak. Gayunpaman, lubos ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang dumarating, gaya na lamang ng pagiging mukha ng isang kilalang Thai facial care brand na Jennie Moon.
“Actually, nagulat ako. Kasi nung nag-inquire pa lang sabi Jennie Moon, sabi ko, ‘Anong brand yan?’ Tapos sinearch ko siya kaagad. Tapos nung nakita ko, sabi ko, ‘Balikan nyo na ako. Charing lang!’ (laughs) Totoo! Kasi gusto ko siyang makuha hindi lang because of the name, but also nakikita ko nga ‘yung mga ninang ko na gumagamit ng Jennie Moon. Kaya sabi ko ‘yun pala ‘yung ginagamit nila kaya ang bango-bango ng balat niya. Then ayun, biglang binigay naman sya sa ‘kin ni God. Kaya thank you talaga,” aniya.
Si Zeinab Harake ay isa sa mga pinakasikat na YouTubers sa Pilipinas na nagsimula sa paggawa ng lifestyle vlogs at pranks. Ngayong 2026, patuloy niyang pinatutunayan na kaya niyang maging isang matagumpay na asawa, ina, at international fashion icon nang sabay-sabay.
Bago pa ang mga tagumpay na ito sa ibang bansa, hindi rin nagpahuli si Zeinab sa pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa pamilya. Noong nakaraang mga buwan, naging viral ang kanyang pagbabahagi ng isang touching note na galing sa kanyang asawang si Ray Parks Jr. na nagpapakita ng matibay na suporta nito sa kanya sa lahat ng kanyang ginagawa.
Sa isa pang pagkakataon, nagbahagi rin si Zeinab ng isang nakakaantig na tribute para kay Ray Parks kung saan tinawag niya itong "God's gift" sa kanyang buhay. Ipinakita sa nasabing ulat ang pasasalamat ng vlogger sa pagdating ng basketbolista na nagbigay ng bagong kulay at katahimikan sa kanyang puso at tahanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

