Beteranang aktres na si Odette Khan, nananatiling bedridden sa ospital
- Kasalukuyang naka-confine at nananatiling bedridden sa National Kidney and Transplant Institute ang beteranang aktres na si Odette Khan simula pa noong Pebrero 21
- Ayon sa kaniyang pamilya ay dumaranas ang aktres ng pneumonia, emphysema, at edema kung saan kinailangan ding tanggalan ng fluid ang kaniyang kanang baga
- Umabot na sa mahigit ₱211,000 ang hospital bill ng aktres nitong Pebrero 27 at hindi pa rito kabilang ang iba pang gastusin gaya ng professional fees ng mga doktor
- Nananawagan ng tulong pinansyal ang kaniyang anak na si Claudette Avelino-Tandoc sa mga nais magpaabot ng donasyon para sa pagpapatuloy ng gamutan ng ina
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang malungkot na balita ang ibinahagi ng pamilya ng premyadong aktres na si Odette Khan tungkol sa kaniyang kasalukuyang kalagayan sa ospital. Simula pa noong Sabado, Pebrero 21, 2026, nananatiling bedridden ang aktres sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa ilang seryosong karamdaman.

Source: Facebook
Sa isang pahayag na inilabas ng kaniyang anak na si Claudette Avelino-Tandoc sa Facebook page ng pelikulang Bar Boys, ibinunyag nitong kasalukuyang nilalabanan ni Odette ang pneumonia, emphysema, at edema. Noong nakaraang Lunes nga ay sumailalim ang aktres sa isang medikal na proseso kung saan tinanggalan ng fluid ang kaniyang kanang baga. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang masusing pagbabantay sa kaniya ng mga eksperto.
Dahil sa tagal ng kaniyang pananatili sa ospital, mabilis na lumobo ang kanilang gastusin. Nitong Pebrero 27, umabot na sa mahigit ₱211,000 ang kanilang bill sa ospital, at hindi pa kasama rito ang professional fees ng mga doktor, bayad sa caregivers, at iba pang kailangang gamot. Aminado ang pamilya na hirap na silang tustusan ang mga susunod pang araw ng gamutan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“We are running out of funds. I am appealing to your kind hearts, as Mommy Odette’s child. She has served the film and television community with all her heart for over five decades. If she has touched you in any way during these years and you are capable and willing to donate, we would really appreciate it. Taos-pusong pasasalamat po in advance sa mga tutulong kay Mommy Odette,” madamdaming pahayag ni Claudette. Dagdag pa niya, “God bless you back in multiple ways. Links and numbers donations are attached.”
Si Odette Khan ay isa sa mga pinaka-respetadong kontrabida at karakter na aktres sa bansa. Sa loob ng mahigit 50 taon, naging bahagi siya ng napakaraming pelikula at teleserye. Kamakailan lamang, muling napatunayan ang kaniyang galing nang tanghalin siyang Best Supporting Actress sa 2025 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Bar Boys, kung saan gumanap siya bilang ang istriktong si Justice Hernandez.
Sa gitna ng kaniyang laban para sa kalusugan, umaasa ang kaniyang pamilya at mga kasamahan sa industriya na muling makakabangon ang beteranang aktres sa tulong ng mga dasal at suporta ng publiko.
Ang sitwasyong ito ni Odette Khan ay nagpapaalala sa atin ng mga hamon na kinakaharap ng mga beteranong aktor pagdating sa usaping pangkalusugan at pinansyal sa kanilang pagtanda.
Sa isang katulad na ulat noon, naging maugong din ang balita tungkol sa kalusugan ng isa pang beteranang aktres na si Caridad Sanchez. Matapos kumalat ang ilang online posts, nanindigan ang kaniyang anak laban sa mga maling impormasyong kumakalat tungkol sa kondisyon ng kaniyang ina upang mapangalagaan ang privacy ng aktres.
Samantala, nagluksa naman ang industriya ng sining kamakailan sa pagpanaw ng isa ring mahusay na aktres na si Vangie Labalan sa edad na 83. Kilala si Vangie sa kaniyang mga hindi malilimutang pagganap sa pelikula at naging malaking kawalan siya sa sining ng pag-arte sa bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

