Ang madilim na sikretong itinago ni Alvin Aragon simula noong siya ay anim na taong gulang pa lamang
- Inilahad ni Alvin Aragon ang isang matagal nang itinatagong karanasan na nagsimula noong siya ay anim na taong gulang pa lamang
- Ibinahagi ng dating aktor ang tungkol sa naging ugnayan niya sa isang kilalang personalidad sa telebisyon noong siya ay labinlimang taong gulang pa lamang
- Binigyang-diin ni Alvin na ang mga naging desisyon niya sa buhay ay malaki ang kaugnayan sa mga pinagdaanan niyang trauma noong bata pa
- Nagpahayag din ang dating aktor ng kanyang matitinding paninindigan base sa kanyang binabasa sa Bibliya at kasalukuyang pananampalataya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa likod ng mga ngiti at tagumpay sa mundo ng showbiz, may isang madilim na katotohanang matagal na itinago ng dating StarStruck Avenger na si Alvin Aragon. Sa isang tapat na panayam kasama ang veteran actress na si Amy Austria para sa kanyang YouTube vlog, matapang na binasag ni Alvin ang katahimikan tungkol sa mga mapapait na karanasang nagsimula noong siya ay musmos pa lamang.

Source: Youtube
Ayon sa asawa ni Izzy Trazona, ang kanyang pagkatao at mga naging desisyon sa buhay ay labis na naapektuhan ng isang insidente noong siya ay anim o pitong taong gulang pa lamang. Isang lihim na hindi niya agad naisumbong sa kahit kanino dahil sa kawalan ng sapat na pang-unawa sa nangyayari sa kanya noon.
Dahil sa naging pundasyon ng kanyang kabataan, inamin ni Alvin na tila naging normal na sa kanya ang mga sitwasyong hindi dapat nararanasan ng isang bata. Matapos ang kanyang paglahok sa unang season ng StarStruck kung saan naging Ultimate Survivors sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, pumasok si Alvin sa isang ugnayan sa isang mayamang TV host sa edad na 15.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“May nakilala akong isang mayaman na TV host, na bading, and then nagkagusto siya sa akin, at 15, 15 years old ako. Iyon, madali na yun sa akin, kung ano yung gusto niyang mangyari kasi nga bago pa ako mapasok sa showbiz, nu’ng mamatay ang tatay ko, naging buhay ko na yun,” pag-amin niya.
Sa kabila ng mga madidilim na yugtong ito, umani rin ng iba't ibang reaksyon si Alvin dahil sa kanyang mga matitinding pahayag tungkol sa homosexuality. Sa kasalukuyan, pinaninindigan ni Alvin ang kanyang interpretasyon sa Bibliya bilang gabay sa kanyang buhay at bilang isang magulang.
Aniya, “Eh, totoo naman, eh. Ano bang sabi sa Bible? God judged homosexuality. Read Genesis 17:18 and 19 — ‘those men in Sodom and Gomorrah want to have sx with other men, and God judged Sodom and Gomorrah. Ngayon, ang mabuting magulang, sasabihin mo sa anak mo kung ano yung huwag mong gawin, ‘di ba? Kasi mapapahamak ka diyan pag ginawa mo. God will throw you to hell if you continue to do homosexuality. Mamuhay ka, and you don’t want to believe in Jesus? I assure you that God will throw you to hell if you don’t stop, repent, and believe in the gospel.”*
Si Alvin Aragon ay nakilala sa telebisyon noong 2003 at kalaunan ay ikinasal sa dating miyembro ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona noong 2012. Ang kanyang kwento ay isang paglalakbay mula sa isang madilim na nakaraan patungo sa kanyang natagpuang pananampalataya.
Dahil sa mga matapang na rebelasyong ito, muling naging sentro ng usapan si Alvin sa social media, lalo na't may mga kasamahan din siya sa industriya na nagbibigay ng kani-kanilang pananaw tungkol sa kanya.
Sa gitna ng mga seryosong usaping ito, may mga pagkakataon ding nagiging sentro ng biro ang pangalan ni Alvin sa loob ng industriya. Kamakailan ay nagbiro ang bise gobernador na si Alex Castro sa opening ceremony ng ACBL kung saan nabanggit ang pangalan ng dating aktor na si Alvin Aragon. Ang nasabing biro ay tila may kaugnayan sa mga naging pahayag ni Alvin na madalas maging viral sa mga social media platforms.
Samantala, maging ang komedyanteng si Kakai Bautista ay hindi pinalampas ang pagkakataong magkomento sa isa sa mga evolution videos ni Alvin Aragon na naging usap-usapan din. Sa kanyang pabirong hirit, sinabi ni Kakai na tila inuungas pa rin siya ng aktor, na nagpapakita ng kanilang pagiging malapit sa isa't isa sa kabila ng mga seryosong isyu.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


