McCoy De Leon, hindi nakatiis at rumesbak para kay Coco Martin

McCoy De Leon, hindi nakatiis at rumesbak para kay Coco Martin

  • Dinepensahan ni McCoy De Leon ang kapwa aktor na si Coco Martin mula sa mga negatibong isyung ipinupukol dito kamakailan
  • Nag-ugat ang kontrobersya matapos maglabas ng pahayag si Rod Navarro Jr. tungkol sa umano’y di-magandang pagtrato sa kanya sa set
  • Sa isang Facebook post, binigyang-diin ni McCoy ang papel ni Coco bilang "tagapagligtas" sa buhay ng maraming maliliit na artista
  • Nagpaabot ng mensahe ng suporta si McCoy para sa kanyang "Kuya" sa gitna ng mga batikos na tinatanggap ng bida ng Batang Quiapo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi nakapagpigil ang Kapamilya actor na si McCoy De Leon na magsalita upang ipagtanggol ang "Kapamilya Prime Time King" na si Coco Martin. Ito ay matapos ang sunod-sunod na banat na natanggap ng huli mula sa anak ng yumaong beteranong aktor na si Rod Navarro, Sr.

McCoy De Leon, hindi nakatiis at rumesbak para kay Coco Martin
McCoy De Leon, hindi nakatiis at rumesbak para kay Coco Martin (📷@mccoydeleon/IG)
Source: Instagram

Sa mga naging pahayag ni Rod Navarro Jr. sa social media, diretsahan niyang isiniwalat ang umano’y masamang karanasan niya sa set ng programang pinagbibidahan ni Coco. Ayon sa kanya, nakatikim umano siya ng mura at banta mula mismo sa aktor at sa ilang staff ng produksyon nito. Dahil dito, uminit ang usapan sa online world tungkol sa kung ano nga ba ang tunay na ugali ng sikat na aktor-direktor kapag patay na ang mga ilaw sa set.

Read also

K Brosas, rumesbak sa naging banat ni Alvin Aragon tungkol sa pagpapalaki ng anak

Bilang isa sa mga matagal na nakasama ni Coco sa hit serye na FPJ’s Batang Quiapo, hindi nagdalawang-isip si McCoy na maglabas ng kanyang saloobin sa Facebook. Ayon sa kanya, saksi siya sa kabutihan ni Coco hindi lang bilang katrabaho kundi bilang isang tao.

Napatunayan niya na hindi lang siya sa harapan ng camera tagapagligtas dahil kahit sa likod ng camera marami siyang natulungan sa pagbibigay ng trabaho,” ani McCoy sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi rin ng aktor na isa siya sa mga itinuturing na "nailigtas" ni Coco. Paliwanag niya, malaki ang naging ambag ng Primetime King upang magkaroon siya ng maayos na kabuhayan at direksyon sa kanyang career. Inamin ni McCoy na bagamat mahirap ang trabaho sa produksyon, mas mahirap ang mawalan ng pagkakataong kumita.

Sa huling bahagi ng kanyang post, hindi naitago ni McCoy ang kanyang panghihinayang sa mga nangyayari. Nakakalungkot lang isipin na tumulong ka na, sa huli ikaw pa ang magiging masama,” saad niya. Nagpaabot din siya ng mensahe para kay Coco na huwag sanang mapagod sa pagtulong sa mga beterano at baguhang artista sa industriya, kasabay ng pangakong, Nandito ako palagi para sa ‘yo.”

Read also

Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagsuporta nina Gloc-9 at K Brosas sa kanilang mga anak

Matatandaang gumanap si McCoy bilang si "David," ang kapatid ni "Tanggol" (Coco Martin) sa Batang Quiapo. Bagamat natapos na ang kanyang karakter sa serye, nananatiling matatag ang samahan ng dalawa sa totoong buhay.

Bago pa man ang mainit na pagdepensang ito ni McCoy kay Coco Martin, naging usap-usapan na rin ang aktor dahil sa kanyang mga makabuluhang aktibidad sa labas ng showbiz. Bukod sa pagiging tapat na kaibigan, ipinakita rin ni McCoy ang kanyang dedikasyon sa kanyang pananampalataya at pagtulong sa kapwa sa mga nakaraang buwan.

Sa isang madamdaming post, ipinakita ni McCoy De Leon ang kanyang matinding debosyon sa Black Nazarene sa gitna ng pagdiriwang ng Traslacion. Ayon sa aktor, hindi siya susuko sa kanyang pananampalataya dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas sa bawat pagsubok na kanyang kinakaharap sa buhay. Ang kanyang kwento ay nagsilbing inspirasyon sa maraming deboto na patuloy na naniniwala sa himala at gabay ng Poong Nazareno.

Naging katuwang ni Senator Imee Marcos ang aktor na si McCoy De Leon sa isang feeding program para sa mga deboto ng Sto. Niño sa Tondo. Personal na nag-abot ng pagkain at tulong ang dalawa bilang bahagi ng kanilang pasasalamat at pagbibigay-pugay sa kapistahan ng mahal na patron. Maraming netizens ang humanga sa pagiging simple at matulungin ni McCoy kahit na abala ito sa kanyang mga taping at projects.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate