Derek Ramsay, sumagot na sa mga bali-balitang isa na siyang bilyonaryo

Derek Ramsay, sumagot na sa mga bali-balitang isa na siyang bilyonaryo

  • Nilinaw ni Derek Ramsay ang kaniyang saloobin matapos bansagan ng publiko bilang isang bilyonaryo dahil sa kaniyang lifestyle
  • Ibinahagi ng aktor na bunga ng ilang dekadang pagtatrabaho at pagiging matalino sa pag-iipon ang tinatamasa niyang kaginhawaan ngayon
  • Binigyang-diin ni Derek na hindi niya nais palakihin ang kaniyang mga anak na umaasa lamang sa mamanahing yaman mula sa kaniya
  • Naniniwala ang aktor na ang pinakamahalagang responsibilidad ng magulang ay ang pagbibigay ng magandang edukasyon at wagas na pagmamahal

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang marangyang buhay ng Filipino-British actor na si Derek Ramsay. Mula sa mga koleksyon ng luxury cars hanggang sa kaniyang mga investment sa labas ng showbiz, madalas na nagiging usap-usapan ang kaniyang yaman. Sa isang kamakailang panayam, direktang sinagot ni Derek ang bansag sa kaniya bilang isang bilyonaryo.

Derek Ramsay, sumagot na sa mga bali-balitang isa na siyang bilyonaryo
Derek Ramsay, sumagot na sa mga bali-balitang isa na siyang bilyonaryo (đź“·@ramsayderek07/IG)
Source: Instagram

Ayon sa aktor, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga ganitong label, ngunit ipinaliwanag niyang produkto ito ng mahabang panahon ng pagsisikap. “I don’t know why…. let’s just say, I’ve worked so hard. People tend to forget that I am 50 this year. I’ve been working my b*tt off for so long. I’ve saved. I’ve just been smart with the money that I’ve saved,” paliwanag ni Derek.

Read also

Jopay Paguia, nagbahagi ng mahalagang aral sa wastong pagbabahagi ng paniniwala sa kapwa

Sa kabila ng kaniyang tagumpay, nananatiling grounded ang aktor pagdating sa paggamit ng kaniyang mga ari-arian. Para sa kaniya, mas mahalagang ma-enjoy ang pinaghirapan habang nabubuhay pa kaysa itago lamang ito. Ito rin ang dahilan kung bakit hinihikayat niya ang kaniyang mga magulang na gastusin at tamasahin ang kanilang bunga ng pagod. “Why leave it for us? You gave us the best in life,” aniya.

pagdating naman sa kaniyang mga anak, may malinaw na panuntunan si Derek. Ayaw niyang lumaki ang mga ito na "spoiled" o umaasa lang sa hand-me-downs. Ayon sa kaniya, sapat na ang de-kalidad na edukasyon bilang pamanang hindi mananakaw. “But working hard to leave all that money to them, I don’t think that really helps them in the long run. You know you need to teach them that they need to put in the hard work and make a name for themselves,” pagbibigay-diin ng aktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Derek Ramsay ay kilala hindi lamang bilang isang mahusay na leading man kundi bilang isang dedikadong atleta at negosyante. Sa kasalukuyan, masaya siyang naninirahan kasama ang asawang si Ellen Adarna at ang kanilang pamilya, habang patuloy na ginagampanan ang kaniyang tungkulin bilang ama sa kaniyang 21-anyos na anak na si Austin at sa bunsong si Lilo.

Bago ang mga pahayag na ito tungkol sa yaman, naging sentro rin si Derek ng usap-usapan tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig.Sa ulat na ito, binasag ni Derek ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga malisyosong tsismis na naghiwalay na sila ng asawang si Ellen Adarna. Mariing itinanggi ng aktor ang mga negatibong komento at ipinakitang nananatiling matatag ang kanilang pagsasama sa kabila ng ingay sa social media.

Read also

Jack Argota, humarap sa NBI dahil sa kumalat na pekeng medical certificate

Hindi rin nakaligtas ang aktor sa mga "online bashers" na madalas pumupuna sa kaniyang bawat galaw.Ayon sa kaniyang panayam, inamin ni Derek na kahit sanay na siya sa industriya ay masakit pa rin ang ilang mga salitang ibinabato sa kaniya. Gayunpaman, mas pinipili niyang mag-focus sa positibong aspeto ng buhay at sa kaniyang pamilya kaysa patulan ang mga negatibong tao sa internet.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: