AJ Raval, rumesbak sa basher na idinamay ang kaniyang anak sa galit online
- Mariing binatikos ni AJ Raval ang isang toxic fan matapos itong mag-iwan ng komento na nanalangin ng masama para sa kaniyang anak
- Ipinahayag ng aktres na handa niyang saluhin ang lahat ng galit ng publiko huwag lamang idamay ang kaniyang mga inosenteng anak na walang kalaban-laban
- Ibinunyag din ni AJ ang kaniyang hinanakit dahil tila siya at ang kaniyang pamilya ang patuloy na inaatake habang ang ibang tao na sangkot ay tahimik na namumuhay
- Nanindigan ang aktres na gagawin niya ang kaniyang tungkulin bilang ina na protektahan ang kaniyang mga anak mula sa mga pagkakamali at kasalanan ng ibang tao
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi na nakapagpigil ang aktres na si AJ Raval at tuluyan nang sumabog ang kaniyang galit laban sa mga tinawag niyang "toxic fans." Ito ay matapos makatanggap ang aktres ng isang napakasamang komento mula sa isang basher na idinamay ang kaniyang anak. Sa isang post, ipinakita ni AJ ang screenshot ng komento ng basher na nagsasabing: Sana mamatay yan anak ni AJ mabanga sana.

Read also
Dalawang batang magkapatid sa Davao de Oro, natagpuang walang buhay sa loob ng kanilang silid

Source: Instagram
Dahil sa tindi ng pambabastos at banta sa buhay ng kaniyang anak, rumesbak si AJ at ipinaalala ang kaniyang papel bilang magulang. “Bilang isang ina tungkulin kong ipagtanggol ang anak ko. Sa akin niyo ibuhos ang galit ninyo, hindi sa batang inosente. mga toxic fans kayo kayang manakit ng batang walang kalaban laban TOXIC FANS GRABENG KA DEMONYOHAN NA YAN,” matapang na pahayag ng aktres. Ayon sa kaniya, hindi makatao na pagdiskitahan ang isang batang wala namang kinalaman sa mga isyung kinakasangkutan ng mga matatanda.

Source: Facebook
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kaniyang mahabang post, tila may pinariringgan din ang aktres na ibang personalidad na aniya ay tunay na sangkot sa isyu ngunit tahimik na ngayon habang siya ang sumasalo ng lahat ng batikos. “Ipapasalo nyo rin ba sa mga anak ko kasalanan ng ibang babae? Sinalo ko na lahat for her habang ang totoong involved at peace bakit hindi nyo sya hanapin sakanya nyo ibato yan bakit sa anak ko,” saad niya. Dagdag pa niya, “the real other woman got away is at peace while me and my children are being attacked.” Aminado si AJ na marami ang magagalit sa kaniyang rebelasyon pero kailangan niya itong gawin para sa kaniyang pamilya.

Read also
Biyuda ng isang dating kapitan sa Pampanga, natagpuan na matapos ang ilang araw na pagkawala
Si AJ Raval ay anak ng action star na si Jeric Raval at nakilala sa kaniyang mga mapangahas na roles sa pelikula. Gayunpaman, sa likod ng kaniyang showbiz persona, binigyang-diin niya na siya ay isang simpleng ina lamang na nagmamahal sa kaniyang mga anak. “Oo na cheap ako walang pinag aralan pero gagawin ko part ko bilang isang ina,” aniya. Sa gitna ng mga intriga tungkol sa kaniyang personal na buhay at relasyon, nananatiling prayoridad ni AJ ang kaligtasan ng kaniyang mga mahal sa buhay laban sa bagsik ng social media.
Ang matapang na hakbang na ito ni AJ ay umani ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens, kung saan marami rin ang sumang-ayon na hindi dapat dinadamay ang mga bata sa anumang away o kontrobersya sa mundo ng showbiz.
Bago ang matinding bugso ng galit na ito, naging bukas din si AJ Raval sa pagbabahagi ng kaniyang mga pinagdaanan noong panahong itinatago pa niya ang kaniyang pagiging ina. Inamin niya ang hirap ng hindi maipakita sa publiko ang kaniyang anak dahil sa takot sa magiging husga ng mga tao.
Samantala, muli namang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Kylie Padilla tungkol sa kaniyang tunay na relasyon ngayon kay Aljur Abrenica at sa naging papel ni AJ Raval sa kanilang buhay. Nilinaw ni Kylie ang kaniyang panig upang matapos na ang mga espekulasyon at mabigyan ng katahimikan ang lahat ng panig na nasasangkot.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
