Dra. Vicki Belo may babala tungkol sa mga nauusong weight loss injections sa online
- Nagbabala si Dra. Vicki Belo sa publiko laban sa pagbili ng mga weight loss peptides at injections na ibinebenta online dahil sa panganib nito sa kalusugan
- Binigyang-diin ng kilalang doktor na maaaring maging sanhi ng malalang sakit sa hinaharap ang paggamit ng mga gamot na hindi dumaan sa tamang pagsusuri at storage
- Ayon kay Belo ay hindi sapat ang online consultation lamang at dapat ay maging mapanuri kung masyadong mura ang presyo ng mga produktong ito kumpara sa merkado
- Ipinaliwanag ng eksperto ang posibilidad ng akumulasyon ng mapanganib na lipopolysaccharides sa katawan na magdudulot ng pagkakasakit pagkalipas ng ilang taon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang mga "miracle drúgs" o injections na mabilis umanong makapagpapababa ng timbang. Dahil sa trend na ito, hindi na napigilan ng sikat na aesthetic doctor na si Dra. Vicki Belo ang magbigay ng seryosong babala sa publiko. Ayon sa kaniya, bagama’t mukhang epektibo at madaling makuha ang mga produktong ito online, malaki ang panganib na dala nito lalo na kung walang gabay ng isang tunay na eksperto.

Read also
Kim Chiu, naging emosyonal sa rebelasyon ni Sam Milby tungkol sa kaniyang lihim na pagtulong

Source: Instagram
Ipinaliwanag ni Belo na marami sa mga ibinebenta sa internet ay maaaring peke, hindi tama ang dosage, o kaya naman ay hindi naimbak nang maayos. Aniya, hindi sapat na may nakausap ka lang sa internet. “Kahit may zoom consultation pa iyan. If it’s too good to be true and it’s cheap, it’s probably cheap and bad for your body,” saad ng doktor. Nilinaw niya na sa halip na makaganda, baka lalo pang masira ang katawan ng mga taong basta-basta na lamang sumusubok nito dahil sa kawalan ng kalinisan sa paggawa ng gamot.
Dagdag pa ni Dra. Vicki, delikado ang mga sangkap na inihahalo sa mga unregulated na gamot na ito. “Pwedeng totoo, pero ang daming dinagdagan. Kung ano anong nilalagay. They might put the right peptide, but they don’t make it clean,” babala niya. Posible raw kasing makaipon ang katawan ng LPS o lipopolysaccharides. Ang masama rito, baka sa una ay pumayat ka nga, pero pagkalipas ng lima hanggang sampung taon ay doon pa lamang lalabas ang mga side effects at magsisimula kang makaramdam ng matinding pagkakasakit.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Dra. Vicki Belo ay kilala bilang pioneer sa bansa pagdating sa dermatology at cosmetic surgery. Sa loob ng ilang dekada, ang Belo Medical Group ay naging sandigan ng mga sikat na personalidad at mga taong nais mapabuti ang kanilang hitsura at kalusugan. Bagama’t kinikilala niya na ang bagong henerasyon ng weight-loss drúgs ay isang "historic breakthrough" para sa mga may obesity, mariin pa rin niyang ipinapaalala na ang kaligtasan ay dapat laging mauna. Ang kaniyang payo: laging humingi ng guidance mula sa lisensyadong doktor bago magpasok ng anumang gamot sa katawan.
Bukod sa kaniyang mga payong medikal, nananatiling aktibo at malapit si Dra. Vicki sa kaniyang mga pasyente at kaibigan sa industriya. Sa katunayan, kamakailan lamang ay muling napatunayan ang ganda ng relasyon niya sa mga celebrities na kaniyang inaalagaan.
Nag-post ng isang madamdaming tribute ang aktres na si Rhian Ramos para sa espesyal na araw ni Dra. Vicki Belo kamakailan. Sa kaniyang post, ibinahagi ni Rhian kung gaano kahalaga ang papel ng doktor sa kaniyang buhay at kung paano ito naging inspirasyon sa marami.
Hindi rin nagpahuli si Dra. Vicki sa mga nauusong internet trends matapos siyang sumali sa viral 2016 throwback challenge. Maraming netizens ang natuwa sa kaniyang "heart full" post kung saan ipinakita niya ang kaniyang mga naging ganap noong mga nakaraang taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

