Sofia Trazona, inaming hindi pa sila nagkikita muli ng inang si Izzy: "Three years na"
- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Sofia Trazona, naikwento nitong tatlong taon na silang hindi nakikita ng inang si Izzy Trazona
- Kwento ni Sofia, naka-boycut pa siya nang huli silang magkita ng kanyang Mommy Izzy
- Matatandaang naging maugong ang pamilya ni Sofia dahil umano sa naging pahayag ng stepfather nitong si Alvin Aragon ukol sa kanyang kasarian
- Gayunpaman, nakuha naman umano ni Sofia ang buong suporta ng kanyang biological father
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng matapang at emosyonal na pahayag si Sofia Trazona sa kanyang panayam kay Ogie Diaz, kung saan tinalakay niya ang kanyang personal na pinagdaraanan, lalo na ang relasyon niya sa kanyang ina at ang mga hamong kinaharap niya matapos maging bukas tungkol sa kanyang pagkakakilanlan at desisyon sa buhay.

Source: Youtube
Ayon kay Sofia, hindi pa raw siya muling nakikita ng kanyang ina sa personal mula nang magbago ang kanyang pag-aayos. Aniya, "Hindi pa po niya ako nakikitang ganito. Ang last niya pong kita sa akin nang personal is naka-boy cut pa ako."
Ibinahagi rin niya ang kanyang pagnanais na sana ay magkaroon sila ng pagkakataong magtagpo muli nang walang hidwaan at may pagtanggap. "If ever na magkikita kami, sana matanggap niya, hindi ko po ma-feel na mali yung desisyon ko. And ayaw ko po ma-feel na parang nagkaroon kami ng wall bigla."
Nang mausisa ni Ogie Diaz, sinabi ni Sofia na di pa muli sila nagkikita ng kanyang ina. “Yes po, three years na,” ani Sofia na nakaka-text naman ang ina.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng patuloy nilang komunikasyon sa pamamagitan ng text, aminado si Sofia na mabigat pa rin ang kanyang pinagdaraanan emosyonal. "Nung time din po na lumabas yung issue, na-hurt din po ako. Na-hurt din po ako nang sobra."
Isinalaysay din ni Sofia ang matinding epekto ng mga isyu sa kanyang mental at emotional na kalagayan. "Dumadating sa point na may show ako kunwari ng araw na ‘to, naka-makeup na ako’t lahat, uuwi po ako kasi hindi ko kayang mag-show. Parang feeling ko wala akong mukhang maihaharap sa mga tao." Dagdag pa niya,
"Ang hirap po na sinasabi ko sa social media na supported niya ako sa mga ginagawa ko pero kabaliktaran parang, ano ba yan sinungaling naman ‘tong batang ‘to."
Paglilinaw ni Ogie, pinoprotektahan na nga umano ni Sofia ang kanyang ina subalit ang kampo rin ng mga ito ang nagsabing hindi nila suportado ang desisyon ni Sofia na maging bahagi ng LGBT community.
Gayunpaman, aminado si Sofia na hindi pa umano siya handang humarap sa ina nang personal. “Kasi hindi ko alam kung ano yung mga maririnig ko na reaksyon… Natatakot ako na baka masaktan ako.”
Narito ang kabuuan ng panayam kay Sofia mula sa Ogie Diaz YouTube:
Si Sofia Trazona ay isang Filipino drag performer at transgender woman na kilala bilang anak ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona. Bago niya opisyal na ginamit ang pangalang Sofia, ang kanyang pangalan ay Andrei (o Sebastian Andrei Dewey Trazona), at unang sumikat sa drag community matapos sumali sa drag competition Bunganga Battle Royale gamit ang drag persona niyang Sofia.
Sa naturang interview din sa kanya ni Ogie Diaz, emosyonal na naikwento ni Sofia ang suporta at pagtanggap sa kanya ng kanyang biological father sa kabila ng kanyang desisyon. Aniya, ito pa raw minsan ang gumagastos sa homones nito at maging sa kanyang mga makeup.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

