Kim Chiu, naging emosyonal sa rebelasyon ni Sam Milby tungkol sa kaniyang lihim na pagtulong

Kim Chiu, naging emosyonal sa rebelasyon ni Sam Milby tungkol sa kaniyang lihim na pagtulong

  • Ibinunyag ni Sam Milby sa press conference ng seryeng The Alibi ang lihim na pamimigay ni Kim Chiu ng libu-libong piso sa mga residente sa Cebu
  • Nangyari ang naturang pagtulong ni Kim habang sila ay nagte-taping sa isang lugar kung saan ang mga residente ay kapos sa buhay
  • Naging emosyonal ang aktres sa naturang rebelasyon at ipinaliwanag na nais lamang niyang magbalik-loob sa kaniyang mga kababayan na naging suportado sa kanila
  • Nagbiro naman ang kaniyang onscreen partner na si Paulo Avelino habang nagaganap ang rebelasyon sa pamamagitan ng pag-abot ng palad sa aktres

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng aktor na si Sam Milby ang kabutihang-loob ng kaniyang co-star na si Kim Chiu. Sa ginanap na media conference para sa kanilang bagong seryeng The Alibi, ibinahagi ni Sam ang isang tagpong hindi nakita ng mga kamera habang sila ay nasa lokasyon sa Cebu.

Read also

Sofia Trazona, ibinida ang pagpapabeauty: "Para maganda tayong haharap kay Lord"

Kim Chiu, naging emosyonal sa rebelasyon ni Sam Milby tungkol sa kaniyang lihim na pagtulong
Kim Chiu, naging emosyonal sa rebelasyon ni Sam Milby tungkol sa kaniyang lihim na pagtulong (📷@chinitaprincess/IG)
Source: Instagram

Tinanong ang cast tungkol sa kanilang mga hindi malilimutang eksena, ngunit ang mas nakapukaw ng atensyon ay nang banggitin ni Sam ang kaniyang labis na paghanga sa ginawa ni Kim. Ayon sa aktor, habang nagsu-shoot sila sa isang lugar na hindi masyadong maunlad ang pamumuhay, nakita niya kung paano nagbahagi ang aktres ng kaniyang biyaya.

But ang ginawa ni Kim, shes giving out thousands of pesos, thousands of pesos, thousands of pesos,” kuwento ni Sam. Dagdag pa niya, What Kim did, I just appreciated her more. Im sure she doesnt want to share that, but I really saw what she did, that shes giving out money to the people who are in need. So, I appreciate Kim even more.”

Read also

Kim Chiu, pumalag sa paghahambing nina Paulo Avelino at Jericho Rosales

Naging emosyonal naman at halatang nahiya ang "Chinita Princess" sa ginawang rebelasyon ni Sam. Nakita pa ang kaniyang onscreen partner na si Paulo Avelino na pabirong umabot ng palad kay Kim na tila humihingi rin ng balato. Paliwanag ni Kim, naramdaman niya ang pangangailangang tumulong dahil nakita niya ang sitwasyon ng mga tao sa paligid ng kanilang taping.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At nakakaabala kasi kami sa kanila, which is hindi naman lahat ay nabibigyan ng bayad sa lugar nayon. Pero very pleasant ang mga tao roon, na support-support talaga sila, na hindi mo na kailangang hilinging na tumahimik sila,” ani Kim na tila maluha-luha pa. Bilang isang Cebuana, sinabi rin niya na malapit sa kaniyang puso ang mga tao roon at parang nasa sariling tahanan lang siya.

Si Kim Chiu ay kilala sa pagiging mapagbigay at laging handang tumulong sa kaniyang mga kababayan, lalo na sa mga taga-Cebu na pinagmulan niya bago siya sumikat sa industriya ng showbiz.

Read also

Alvin Aragon, nagkomento sa desisyon ni Vice Governor Alex Castro hinggil sa SexBomb reunion show

Ang positibong balitang ito tungkol kay Kim Chiu ay patunay lamang na nananatiling mapagkumbaba ang aktres sa kabila ng kaniyang tagumpay. Kaugnay nito, naging laman din ng mga usap-usapan ang kaniyang pakikitungo sa ibang mga kasamahan sa industriya.

Matapos mag-viral ang isang video kung saan tila hindi nabati ni Jericho Rosales si Kim Chiu, agad na nilinaw ng aktor ang sitwasyon. Ayon kay Jericho, wala siyang intensyong mang-isnab at katunayan ay nag-text pa siya kay Kim upang humingi ng paumanhin at linawin ang nangyari. Siniguro rin niyang maayos ang kanilang ugnayan at walang anumang isyu sa pagitan nila.

Hindi pinalampas ni Kim Chiu ang ginawang pagkukumpara ng isang reporter kina Paulo Avelino at Jericho Rosales sa isang press conference. Matapang na sumagot ang aktres sa pagsasabing hindi makatutulong sa bansa ang ganitong uri ng mga katanungan. Sinegundahan din niya ang isang fan sa X na nagsabing hindi dapat ginagawang uncomfortable ang mga artista sa mga personal na tanong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate