Alvin Aragon, naglabas ng matapang na pahayag tungkol sa anak ni Izzy Trazona

Alvin Aragon, naglabas ng matapang na pahayag tungkol sa anak ni Izzy Trazona

  • Hayagang ipinahayag ni Alvin Aragon ang kaniyang hindi pagsang-ayon sa pagiging trans woman ng kaniyang stepdaughter na si Sofia Trazona
  • Sa isang panayam sa radyo ay binanggit ng aktor na ang kaniyang mga pahayag ay base sa kaniyang interpretasyon sa mga nakasulat sa Bibliya
  • Nilinaw din ni Aragon na bilang magulang ay nais lamang niyang itama ang landas ng anak upang hindi ito mapahamak sa huli
  • Umani ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens ang kaniyang mga binitawang salita lalo na ang tungkol sa usapin ng pananampalataya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naging mainit na usapan sa social media ang mga naging pahayag ng dating StarStruck Avenger na si Alvin Aragon tungkol sa sexual_orientation ng kaniyang stepdaughter na si Sofia Trazona. Sa kaniyang panayam sa DWAR Abante Radyo noong February 13, 2026, hindi nagpigil ang aktor sa paglalabas ng kaniyang saloobin na nakabase sa kaniyang pananampalataya.

Read also

Kylie Padilla binahagi ang pananaw sa pagpapatawad at pagpapatuloy ng buhay matapos ang hiwalayan

Alvin Aragon, naglabas ng matapang na pahayag tungkol sa anak ni Izzy Trazona
Alvin Aragon, naglabas ng matapang na pahayag tungkol sa anak ni Izzy Trazona (📷DWAR Abante Radyo, @sofia_trazona/TikTok)
Source: Facebook

Si Sofia, na dating kilala bilang Andrei Trazona, ay anak ni Izzy Trazona sa kaniyang dating karelasyon. Ayon kay Alvin, hindi niya matatanggap ang pagiging trans woman ni Sofia dahil ito ay taliwas sa kaniyang paniniwalang Kristiyano. E, totoo naman, e. Ano bang sabi sa Bible? God judged homosexuality. Read Genesis 17:18 and 19 — ‘those men in Sodom and Gomorrah want to have s3x with other men, and God judged Sodom and Gomorrah,’” paliwanag niya.

Read also

Ai-Ai delas Alas, may rebelasyon sa kasalukuyang ugnayan nila ni Kris Aquino

Naniniwala si Alvin na ang kaniyang ginagawa ay bahagi ng kaniyang responsibilidad bilang isang magulang. Aniya, Ngayon, ang mabuting magulang, sasabihin mo sa anak mo kung ano yung huwag mong gawin, di ba? Kasi mapapahamak ka diyan pag ginawa mo.” Hindi rin nag-atubili ang aktor na magbigay ng babala tungkol sa kaniyang pinaniniwalaang kahihinatnan ng mga taong hindi nagbabago. God will throw you to hell if you continue to do homosexuality. Mamuhay ka, and you don't want to believe in Jesus? I assure you that God will throw you to hell if you don't stop, repent, and believe in the gospel,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng matitinding pahayag ni Alvin, nananatili naman ang komunikasyon sa pagitan ni Izzy at Sofia bagama't hindi sila nagkikita nang personal. Sa katunayan, nag-post pa si Izzy ng mensahe ni Sofia para sa kaniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa isyu kay Sofia, nilinaw din ni Alvin sa parehong interview na wala siyang kinalaman sa pag-alis ni Izzy sa SexBomb Girls noong 2009. Aniya, hindi pa sila mag-asawa noon at ang Panginoon daw ang nagpa-resign sa kaniya nang maging Christian ang asawa. Umani ito ng negatibong komento mula sa mga netizens na nagsasabing hindi lahat ng marunong sa Bibliya ay tama ang paraan ng pagpapalaki, habang may ilan namang nagtanggol sa kaniyang paninindigan.

Si Alvin Aragon ay nakilala sa unang season ng StarStruck bago tuluyang naging aktibo sa kanilang simbahan kasama si Izzy. Sa kabila ng kontrobersya, nananatiling matatag ang aktor sa kaniyang interpretasyon ng kaniyang relihiyon bilang gabay sa kanilang pamilya.

Read also

Alvin Aragon, nagsalita sa aniya'y dahilan ng pag-alis ni Izzy Trazona sa SexBomb

Ang mga ganitong usapin sa loob ng pamilya nina Alvin at Izzy ay madalas na nagiging paksa ng diskusyon sa publiko, lalo na't magkaiba ang pananaw ng bawat panig.

Bago pa ang mga pahayag ni Alvin, naging bukas si Sofia sa kaniyang karanasan bilang isang trans woman. Sa ulat na ito, tinalakay kung paano siya humaharap sa hamon ng buhay at ang kaniyang pananaw sa suportang nakukuha o hindi nakukuha mula sa kaniyang pamilya.

Sa isa pang pagkakataon, binigyang-diin ni Alvin na ang pananampalataya ang naging pangunahing dahilan kung bakit tinalikuran ni Izzy ang mundo ng pagsasayaw. Nilinaw niya rito na ang desisyon ay ginawa ni Izzy bago pa man sila tuluyang magsama bilang mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate