Catriona Gray, nagpakatotoo nang matanong sa viral video nila ni Anne Jakrajutatip noong 2022
- Binalikan ni Catriona Gray ang kontrobersyal na viral moment nila ng business tycoon na si Anne Jakrajutatip sa Thailand noong 2022
- Nakapanayam kasi ni Karen Davila ang beauty queen at isa sa napagusapan nila ay ang paghingi ng sorry ni Anne kay Catriona noon
- Inamin ng beauty queen na wala siyang idea kung tungkol saan ang naging mensahe ni Anne
- Nilinaw ni Catriona na hindi na niya sinubukang alamin ang tunay na kahulugan ng insidente
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kanyang naging panayam kay Karen Davila, hindi nagdalawang-isip si Catriona Gray na maglabas ng kanyang saloobin tungkol sa naging viral na on-stage moment nila ni Anne Jakrajutatip. Matagal nang naging usap-usapan ng mga fans kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa likod ng paghingi ng tawad ng Miss Universe owner.

Source: Instagram
Ikinuwento ni Catriona na nangyari ang insidente sa Thailand para sa isang 'Miss Universe Extravaganza.' Ayon sa kanya, magkasama sila ni Anne at ng iba pang mga babae sa backstage bago ang show, ngunit wala itong binanggit sa kanya noon.
Laking gulat na lamang niya nang bigla siyang kunin nito para sa isang yakap habang nasa harap na ng maraming tao at mga camera.
"I was behind the stage with her and the girls and she didn't say anything to me, but then, on-stage, I can't even recall now because it was like 3 years ago, but she said something and pulled me in for a hug. It felt very performative because it could have happened backstage, pero kailangan nasa harap ng lahat na may cameras," pahayag ni Catriona.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, hindi na rin niya matandaan ang eksaktong sinabi ni Anne dahil tatlong taon na ang nakalipas at tanging ang pagiging 'performative' nito sa publiko ang tumatak sa kanya.
Nang matanong kung inalam pa ba niya ang kwento sa likod ng ginawa ni Anne, aniya Catriona, "I wasn't together with my ex when all that happened so like, 'Anong pake ko diyan? I don't really care.'"
Si Catriona Gray ay isang Filipina-Australian beauty queen, singer, model, at television personality na nakilala sa buong mundo matapos siyang koronahang Miss Universe 2018. Bago nito, nanalo muna siya bilang Miss Universe Philippines 2018 at Miss World Philippines 2016, kung saan nagtapos siya bilang Top 5 sa Miss World pageant. Kilala si Catriona hindi lamang sa kanyang naging tagumpay sa larangan ng beauty pageant kundi pati sa kanyang talino, husay sa pagsasalita, at makabuluhang advocacies. Bukod sa kanyang tagumpay sa pageantry, aktibo rin si Catriona sa larangan ng musika at entertainment. Nakapaglabas siya ng ilang kanta at naging bahagi ng iba’t ibang proyekto sa telebisyon at events bilang host at performer.

Read also
Catriona Gray, nagpakatotoo nang matanong sa hiwalayan nila ni Sam Milby: "I was so broken"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inamin ni Catriona Gray na tumagal ng apat na taon ang naging relasyon nila ng aktor na si Sam Milby. Ayon sa beauty queen, nag-propose na si Sam ngunit matapos ang ilang buwan ay may na-realize daw ito. Ibinahagi ni Catriona na labis siyang nasaktan at nabigla dahil sinubukan niyang ayusin pa ang lahat. Sa huli, pinili ni Catriona ang kanyang sarili, bagay na hinangaan ng kanyang mga fans.
Samantalang ay marami ang natuwa para kay Catriona Gray dahil sa kanyang acting debut sa pelikulang 'The Loved One' na idinirek ni Irene Villamor. Kasama niyang bibida sina Anne Curtis at Jericho Rosales, at inamin ni Gray na nakaramdam siya ng matinding pressure na wag maging “weakest link” sa set. Bilang paghahanda sa kanyang papel, sumailalim si Gray sa masinsinang acting workshops at tumanggap ng gabay mula sa kanyang mga beteranong co-stars habang ginagawa ang pelikula. Kasabay ng kanyang pagpasok sa pag-arte, kasalukuyan din siyang nagpo-produce ng bagong musical collection.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
