Beteranang aktres na si Vangie Labalan, pumanaw na sa edad na 83

Beteranang aktres na si Vangie Labalan, pumanaw na sa edad na 83

  • Pumanaw na ang beteranang aktres at acting coach na si Vangie Labalan o Maria Cristina Labalan sa totoong buhay sa edad na 83
  • Kinumpirma ng kanyang anak na si Van-van Aligam ang malungkot na balita noong Pebrero 12 sa pamamagitan ng isang post sa Facebook
  • Huling napanood ang aktres sa Kapamilya serye na "Batang Quiapo" at tumatak din ang kanyang pagganap sa klasikong pelikulang "Himala"
  • Nagpaabot ng kani-kanilang pakikiramay ang mga kasamahan sa industriya gaya nina FDCP Chair Jose Javier Reyes at Roderick Paulate

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Balot ng pighati ang industriya ng pelikula at telebisyon matapos kumpirmahin ang pagpanaw ng beteranang aktres at iginagalang na acting coach na si Vangie Labalan (Maria Cristina Labalan sa tunay na buhay). Siya ay pumanaw sa edad na 83.

Beteranang aktres na si Vangie Labalan, pumanaw na sa edad na 83
Beteranang aktres na si Vangie Labalan, pumanaw na sa edad na 83 (📸 Carlo Labalan)
Source: Facebook

Nitong Pebrero 12, ibinahagi ng kanyang anak na si Van-van Aligam sa Facebook ang malungkot na balita. Ayon sa kanya, mapayapang namaalam ang aktres habang napapalibutan ng kanyang pamilya. Sa isang madamdaming post, sinabi ni Van-van, “Ma, how is this because the stone is not yours? I'm glad you passed peacefully. surrounded by family. Acta at the end, you're going to be a bit too late. We love you, Mom. Rest easy.”

Read also

Driver sa trahedya sa LRT-1 FPJ Station, pinalaya na ng mga awtoridad

Sa isa pang hiwalay na post, pinasalamatan ni Van-van ang kanyang ina sa paghubog sa kanyang boses at talento sa pag-arte. Ayon sa kanya, “Thank you, Ma. Because of you, we are not able to control actors and showbiz life because of you I earned my voice. The workshops were worth it.” Dagdag pa niya, ang kanyang ina ang nagsilbing inspirasyon at tagapagtaguyod ng kanilang pamilya hanggang sa huli.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vangie Labalan ay hindi lamang isang aktres kundi isang mahusay na acting coach na humubog sa maraming talento sa industriya. Tumatak ang kanyang pangalan nang bumida siya kasama ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang "Himala." Kamakailan, napanood din siya sa sikat na seryeng "Batang Quiapo" ni Coco Martin.

Nagpaabot din ng huling mensahe si FDCP Chairman Jose Javier Reyes para sa aktres. Ayon sa direktor, “Thank you for all the years we worked together and provided Filipino cinema with the brilliance of your talent, hard work, and professionalism. You shall never be forgotten, as you will forever be missed. Have a safe journey home to the waiting arms of Our Father, dearest Vangie Labalan.” Bukod sa kanya, nagpahayag din ng pakikiramay sina Roderick Paulate, I.C. Mendoza, at Marissa Delgado.

Ang pagpanaw ni Vangie Labalan ay isa sa mga sunod-sunod na malungkot na balitang yumanig sa publiko nitong mga nakaraang araw.

Read also

Catriona Gray sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Sam Milby: "Hindi pala siya ready"

Nabigla ang mga tagahanga ng K-drama matapos mabalita ang biglaang pagpanaw ng aktor na si Jung Eun-woo sa murang edad na 39. Ayon sa mga ulat, ang aktor ay natagpuang wala nang buhay sa kanyang tahanan, at patuloy pa ring inaalam ang sanhi ng kanyang kamatayan. Maraming mga tagahanga mula sa Pilipinas ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng aktor na nakilala sa mga sikat na Korean series.

Isang trahedya naman ang sinapit ng isang vlogger sa Puerto Princesa City matapos siyang mabiktima ng food poisoning. Nakuhanan pa ng biktima ang kanyang sarili habang niluluto at kinakain ang nasabing "devil crab" nang hindi nalalamang ito ay nagtataglay ng matinding lason. Sa kabila ng pagsisikap na maisalba sa ospital, tuluyan itong binawian ng buhay matapos ang dalawang araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate