Catriona Gray, nagpakatotoo nang matanong sa hiwalayan nila ni Sam Milby: "I was so broken"

Catriona Gray, nagpakatotoo nang matanong sa hiwalayan nila ni Sam Milby: "I was so broken"

  • Inamin ni Catriona Gray na tumagal ng apat na taon ang naging relasyon nila ng aktor na si Sam Milby
  • Ayon sa beauty queen, nag-propose na si Sam ngunit matapos ang ilang buwan ay may na-realize daw ito
  • Ibinahagi ni Catriona na labis siyang nasaktan at nabigla dahil sinubukan niyang ayusin pa ang lahat
  • Sa huli, pinili ni Catriona ang kanyang sarili, bagay na hinangaan ng kanyang mga fans online

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang eksklusibong panayam kasama si Karen Davila, binasag na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang katahimikan tungkol sa naging pagtatapos ng relasyon nila ni Sam Milby. Dito, naging bukas ang beauty queen sa sakit at hirap na kanyang pinagdaanan.

Catriona Gray, nagpakatotoo nang matanong sa hiwalayan nila ni Sam Milby: "I was so broken"
Photos: Karen Davila on YouTube
Source: Instagram
"We were together four years," pagkumpirma ni Catriona nang tanungin siya ni Karen tungkol sa tagal ng kanilang pagsasama. Inamin niya na bagama't marami ang nagnanais na sana ay sila pa rin, may mga bagay na hindi na talaga gumana sa pagitan nila.

Read also

Catriona Gray sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Sam Milby: "Hindi pala siya ready"

Ikinuwento ni Catriona ang naging 'turning point' ng kanilang pagsasama matapos ang proposal ni Sam.

"He had proposed, and then a few months later, realized na hindi pala siya ready so that was very hurtful for me and I was really blindsided at the time," madamdaming pahayag ng aktres.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinubukan daw niyang intindihin at mag-adjust para sa relasyon nila ngunit sa dulo ay pinili na niya ang kanyang sarili. Para kay Catriona, ang kawalan ng katiyakan ni Sam ang naging pinakamalinaw na senyales.

Sabi niya, "Siguro when you love someone you're willing to understand them, pero it got to a point na at that age, and what we've been through kung hindi ka pa rin sure, that's an answer already."

Inamin ni Catriona na naging "shattered" at "broken" siya sa nangyari, ngunit ito rin ang nagturo sa kanya na pahalagahan ang sarili.

"I realized that I needed to choose myself in that moment because I had already given so much in trying to adjust," pagtatapos niya.

Read also

Netizens, naintriga sa panibagong online post ni Maris Racal: "Plot twist"

Si Catriona Gray ay isang Filipina-Australian beauty queen, singer, model, at television personality na nakilala sa buong mundo matapos siyang koronahang Miss Universe 2018. Bago nito, nanalo muna siya bilang Miss Universe Philippines 2018 at Miss World Philippines 2016, kung saan nagtapos siya bilang Top 5 sa Miss World pageant. Kilala si Catriona hindi lamang sa kanyang kagandahan kundi pati sa kanyang talino, husay sa pagsasalita, at makabuluhang adbokasiya. Isa sa mga tampok na advocacy niya ay ang pagsusulong ng edukasyon para sa mga batang nasa mahihirap na komunidad, lalo na sa Tondo, Maynila, kung saan siya aktibong nagboluntaryo.

Bukod sa kanyang tagumpay sa pageantry, aktibo rin si Catriona sa larangan ng musika at entertainment. Nakapaglabas siya ng ilang kanta at naging bahagi ng iba’t ibang proyekto sa telebisyon at events bilang host at performer. Kilala rin siya sa kanyang iconic na “lava walk” sa Miss Universe stage na lalong nagpatanyag sa kanya. Sa kabila ng kanyang kasikatan, nananatili siyang inspirasyon sa maraming Pilipino dahil sa kanyang grace, intelligence, at dedikasyon sa pagbibigay-boses sa mga nangangailangan.

Read also

Candy Pangilinan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ina na si Dori

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay marami ang natuwa para kay Catriona Gray dahil sa kanyang acting debut sa pelikulang 'The Loved One' na idinirek ni Irene Villamor. Kasama niyang bibida sina Anne Curtis at Jericho Rosales, at inamin ni Gray na nakaramdam siya ng matinding pressure na wag maging “weakest link” sa set. Bilang paghahanda sa kanyang papel, sumailalim si Gray sa masinsinang acting workshops at tumanggap ng gabay mula sa kanyang mga beteranong co-stars habang ginagawa ang pelikula. Kasabay ng kanyang pagpasok sa pag-arte, kasalukuyan din siyang nagpo-produce ng bagong musical collection.

Samantalang noong December 2025 ay nagbahagi rin si Catriona Gray ng isang pagninilay sa Instagram na umiikot sa tema ng pag-ibig, panahon, at mga pagtatapos. Ipinahiwatig niya sa kanyang caption ang isang relasyong minsang inakalang panghabambuhay ngunit hindi nagtagal. Umani ang post ng maraming mensahe ng suporta, pakikiramay, at mga personal na pagbabahagi mula sa kanyang mga tagahanga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco