Megastar, nagbitiw ng biro tungkol sa 2022 elections sa harap ni PBBM

Megastar, nagbitiw ng biro tungkol sa 2022 elections sa harap ni PBBM

  • Nagbigay ng isang matapang at nakakaaliw na biro ang Megastar na si Sharon Cuneta kay Pangulong Bongbong Marcos sa isang event sa Maynila
  • Sa gitna ng kanyang performance, biniro ng aktres ang Pangulo na tila nagkamali ito sa pagpili ng kanyang naging bise presidente noong 2022 elections
  • Ang asawa ni Sharon na si dating Senador Kiko Pangilinan ay isa sa mga nakakalaban noon ni Vice President Sara Duterte para sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa
  • Naganap ang nasabing tagpo sa "Evening with the Stars" event na ginanap sa makasaysayang Foro de Intramuros kung saan naging panauhin ang Pangulo

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa gitna ng tawanan at musika, naging sentro ng atensyon ang Megastar na si Sharon Cuneta matapos nitong biruin si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. tungkol sa nakalipas na 2022 elections. Ang tagpong ito ay naganap sa "Evening with the Stars" na idinaos sa Foro de Intramuros, Maynila, kung saan nag-perform ang batikang singer-actress.

Read also

Netizens, naintriga sa panibagong online post ni Maris Racal: "Plot twist"

Sharon Cuneta biniro si Pres. Marcos tungkol sa pagpili ng bise presidente
Sharon Cuneta biniro si Pres. Marcos tungkol sa pagpili ng bise presidente (đź“·@reallysharoncuneta/IG)
Source: Instagram

Habang nasa entablado, hindi pinalampas ni Sharon ang pagkakataon na magbigay ng komento tungkol sa naging takbo ng politika sa bansa. Alam ng lahat na ang kanyang asawa na si dating Senador Kiko Pangilinan ay tumakbo bilang bise presidente noong nakaraang halalan, ngunit nauwi sa pagkapanalo ni Vice President Sara Duterte.

Direktang biniro ni Sharon ang Pangulo sa harap ng maraming panauhin. Ayon sa ulat, tinanong ng Megastar ang Pangulo ng: “Sir, I have only one Vice President there oh. My date tonight. Mali your choice no?, Ang hirit na ito ay sinalubong ng tawanan mula sa mga dumalo, dahil sa pagiging tapat at "witty" ng aktres sa harap mismo ng lider ng bansa.

Hindi bago para kay Sharon Cuneta ang madamay sa usaping politikal dahil sa posisyon ng kanyang asawa. Sa kabila ng pagiging magkaiba ng panig noong kampanya, ipinakita ni Sharon sa kanyang naging biro na kaya niyang makisalamuha at magbigay ng pahayag nang may halong "entertainment value."

Read also

Food vlogger sa Palawan, nasawi matapos makakain ng nakalalasong "devil crab"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang naging mainit ang labanan noong 2022 sa pagitan ng tambalang Marcos-Duterte at ng oposisyon kung saan kabilang si Pangilinan. Sa kabila nito, ang "Evening with the Stars" ay naging pagkakataon para sa sining at musika na magsama-sama ang mga personalidad mula sa iba't ibang panig ng lipunan. Ang biro ni Sharon ay tinitingnan ng marami bilang isang paraan ng pagpapahayag ng kanyang saloobin sa isang magaan ngunit makabuluhang paraan.

Bukod sa kanyang mga pahayag sa politika, nananatiling aktibo ang pamilya ni Sharon sa pagbabahagi ng kanilang personal na buhay sa publiko.

Sa isang post sa social media, ipinakita ng dating senador na si Kiko Pangilinan ang kanyang pagiging proud father sa anak na si Frankie. Ibinahagi niya ang larawan ng masarap na pagkaing inihanda ng kanyang anak para sa kanilang pamilya. Maraming netizens ang humanga sa bonding ng mag-ama at sa husay ni Frankie hindi lang sa pag-awit kundi maging sa kusina.

Read also

Hollywood actor na si James Van Der Beek, sumakabilang-buhay na

Ipinakita naman ng Megastar ang kanyang pagtanggap sa pagtanda nang may "grace" matapos niyang ibahagi ang kanyang bagong Senior Citizen's ID. Sa kanyang post, naging masaya si Sharon sa mga benepisyong hatid nito at biro pa niya ay "official" na siyang lola-age pero nananatiling bata ang puso. umani ng libo-libong likes ang post na ito mula sa kanyang mga tagahanga na humahanga sa kanyang pagiging totoo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate