Catriona Gray sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Sam Milby: "Hindi pala siya ready"
- Matapos ang nasa apat na taon, nagsalita na si Catriona Gray sa umano'y kinahinatnan ng relasyon nila ng aktor na si Sam Milby
- Matatandaang umabot pa sa puntong na-engage ang dalawa, Pebrero ng 2023
- Subalit umugong na ang balitang nagkakalabuan na ang dalawa isang taon matapos ang nasabing engagement
- Pebrero naman ng 2025 nang kumpirmahin ng aktor ang hiwalayan nila ng beauty queen
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapos ang halos apat na taong pananahimik, nagsalita na sa publiko si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa umano’y kinahinatnan ng relasyon nila ng aktor na si Sam Milby.

Source: Youtube
Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naging bukas si Catriona sa mga detalye ng kanilang hiwalayan at sa mga pinagdaanan niya sa nasabing relasyon.
Ayon sa kanya, napagtanto umano ni Sam na hindi pa ito handang pumasok sa mas malalim na antas ng commitment, sa kabila ng nauna na nitong pag-propose.
“I think he just realized that he wasn't ready to take it to the stage of commitment that we thought we are on because he proposed, and then a few months later realized that hindi pala siya ready. So that was really hurtful for me and I was really blindsided at that time,” pahayag ni Catriona.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya, sinubukan niyang ayusin at ilaban ang relasyon, at naging handa siyang mag-adjust dahil, ayon sa kanya, kapag mahal mo ang isang tao, handa kang umunawa at magsakripisyo. Ngunit dumating umano sa puntong kinailangan niyang tanggapin ang realidad.
“Pero it got to a point na at that age and what we've been through kung hindi ka pa rin sure, I think that's an answer already,” aniya.
Matatandaang Pebrero 2023 nang isapubliko nina Catriona at Sam ang kanilang engagement, na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga at ng publiko.
Itinuturing noon ang kanilang relasyon bilang isa sa mga pinaka-iniidolong celebrity couples sa bansa. Subalit, makalipas ang isang taon, umugong ang mga balita na nagkakalabuan na ang dalawa, bagay na hindi agad nila kinumpirma.
Noong Pebrero 2025, tuluyan nang kinumpirma ni Sam Milby ang kanilang hiwalayan, na lalong nagpaigting sa interes ng publiko tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Sa kabila ng masakit na karanasan, iginiit ni Catriona na tinanggap na niya ang nangyari at mas pinipili ngayon ang kapayapaan ng isip at emosyonal na paghilom, habang patuloy na hinaharap ang bagong yugto ng kanyang buhay.
Narito ang kabuuan ng nasabing panayam mula sa Karen Davila YouTube channel:
Si Catriona Gray ay isang Filipina-Australian model, singer, advocate, at beauty queen na ipinanganak noong Enero 6, 1994. Siya ay unang nakilala sa mundo ng pageantry nang manalo bilang Miss World Philippines 2016, kung saan kinatawan niya ang bansa sa Miss World at nagtapos bilang Top 5 finalist. Gayunman, mas lalo siyang naging tanyag nang masungkit niya ang korona ng Miss Universe 2018 sa Thailand, na nagbigay ng ikaapat na titulo ng Pilipinas sa prestihiyosong patimpalak. Bukod sa kanyang husay sa entablado, hinangaan din siya sa kanyang talino, paninindigan sa adbokasiya, at iconic na “lava walk,” na naging bahagi ng kasaysayan ng Miss Universe. Dahil dito, naging isa siya sa mga pinakakilalang personalidad sa showbiz at pageant industry sa bansa.
Sa kasalukuyan, abala si Catriona Gray sa iba’t ibang proyekto sa larangan ng entertainment, fashion, at advocacy. Isa siyang aktibong TV host, endorser ng iba’t ibang kilalang brand, at patuloy na gumagawa ng mga proyekto sa social media at digital platforms. Masigla rin ang kanyang partisipasyon sa mga gawaing makatao, partikular sa mga programang may kinalaman sa edukasyon ng kabataan, kalusugan, at women empowerment. Bukod dito, patuloy siyang gumagawa ng musika at mga creative projects na nagpapakita ng kanyang artistic side. Sa kabila ng mga personal na pagsubok, nananatili siyang inspirasyon sa marami bilang isang babaeng matatag, makabuluhan ang adbokasiya, at patuloy na umuunlad sa kanyang karera at personal na buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

