Dianne Medina, naging tapat sa bagong misyon niya para sa kanyang kalusugan
- Inamin ni Dianne Medina na kailangan niyang magbawas ng 40 lbs para hindi na maituring na overweight
- Dahil sa kanyang history ng pancreatitis, sinabi niyang kailangang maging maingat siya sa weight loss journey
- Binigyang-diin ni Dianne na ang pagpili ng ligtas at sustainable na paraan ang pinakamahalaga para sa kanyang katawan
- Maraming fans ang humanga sa kanyang pagiging tapat at candid sa kanyang haharapin na weight loss program
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbahagi kamakailan si Dianne Medina ng isang napakatapat at 'raw' na post tungkol sa kanyang bagong simula para sa mas malusog na pangangatawan. Hindi nagdalawang-isip ang aktres na ipakita ang kanyang kasalukuyang sitwasyon sa kanyang mga followers.

Source: Instagram
"I need to lose 40 lbs to no longer be overweight," diretsahang pag-amin ni Dianne sa kanyang caption.
Ipinaliwanag din ni Dianne na kailangan niyang maging sobrang ingat sa pipiliing paraan ng pagpapapayat dahil sa kanyang kondisyong medikal.
"Because of my history of pancreatitis, my body is extra sensitive to weight loss programs — so doing it the right way truly matters," paliwanag niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, pinili ni Dianne na sumailalim sa isang programa na sigurado siyang makabubuti sa kanya sa mahabang panahon.
"I’m choosing a safe, sustainable, and effective approach," dagdag pa niya.
Ang pagiging bukas ni Dianne sa kanyang weight loss journey ay nagsilbing inspirasyon sa marami na harapin ang kanilang mga health goals nang may tamang gabay.
Sa comment section naman ay nag-comment ang kanyang mister na si Rodjun Cruz, kung saan minotivate pa niya ito sa kanyang journey. Pati ang aktres na si Carla Abellana ay napa-comment din sa post na ito ni Dianne.
"Let’s go wife wife! Sabay ka sakin workout at pickleball! Basic yan!" aniya ng aktor, samantalang ang sinabi naman ni Carla ay, "You’re in good hands. Kakayanin mo yan."
Si Dianne Medina ay isang Filipina actress at TV host. Bukod sa kanyang unang mga proyekto sa pag-arte, nakilala si Dianne bilang isang mahusay at versatile na TV host at presenter. Naging host siya ng mga morning shows sa PTV‑4, naging bahagi rin ng mga segment ng GMA gaya ng Unang Hirit, at lumabas sa mga teleserye ng GMA tulad ng Beautiful Strangers. Sa likod ng camera, co-founder siya ng isang events management company. Sa kanyang personal na buhay, kasal siya sa aktor na si Rodjun Cruz mula noong 2019, at mayroon na silang dalawang anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Dianne Medina ng isang madamdaming tribute sa Instagram para sa kaarawan ng kanyang yumaong ama at ina. Inamin ng aktres na bagama't tahimik silang nagdiriwang, labis pa rin niyang pinangungulilaan ang presensya ng dalawa. Sa naturang post, ibinahagi ni Dianne na may mga pagkakataong siya ay nag-"completely break down" dahil dito.
Samantalang noong November 2025 ay ipinakita nina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang bago nilang investment na bahay, na aniya ay "early birthday gift" mula sa Diyos. Ang bagong ari-arian ay matatagpuan sa Quezon City at idaragdag nila sa kanilang house rental business. Pinasalamatan ni Dianne si Rodjun, at idiniin na ang kanilang tagumpay ay bunga ng "teamwork" at paglilingkod sa Diyos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

