Cynthia Yapchingco, may madamdaming mensahe para kay Aira Bermudez
- Nag-post si Cynthia Yap-Chingco sa Instagram para magpasalamat at magbigay ng suporta sa kanyang mga kasama sa SexBomb
- Sinabi ni Cynthia na napatunayan ng lahat kung gaano katapang si Aira Bermudez sa kabila ng mga nangyari
- Aniya Cynthia, talagang "na-alarma" sila sa naging sitwasyon ni Aira sa gitna ng kanilang performance
- Nangako si Cynthia na lalaban sila at tatapusin ang gabi nang malakas bilang SexBomb Girls
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbahagi ng isang nakakaantig na mensahe si Cynthia Yap-Chingco para sa kanyang "ate" na si Aira Bermudez matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari sa kanilang concert kamakailan lang. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Cynthia ang paghanga sa katatagan ng kanyang fellow SexBomb dancer.

Source: Instagram
"So much unexpected things happened yesterday but thank you, Lord, dahil hindi mo pa rin kami pinabayaan," panimula ni Cynthia sa kanyang caption.
Sa naturang post, inamin niya na talagang nag-alala ang lahat sa nangyari kay Aira.
"Literal na inalarma mo kaming lahat!" biro pa niya, pero binalot ito ng pagmamahal para sa kaibigan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Para kay Cynthia, naging patunay ang gabing iyon na hindi sumusuko si Aira sa anumang hamon.
Aniya Cynthia, "My ate @airabermudez you are so strong and brave. Dito napatunayan ng lahat na ang isang Aira ay walang sinusukuan."
Hindi rin kinalimutan ni Cynthia ang kanyang partner sa duo na si Aifha Medina. Ayon sa kanya, si Aifha ang kanyang "ka-balance" noon pa man at hanggang sa hinaharap.
"Whatever happens, you’re my girl, my ka-balance since then and forever," mensahe niya para kay Aifha.
Sa huli, positibo ang naging pananaw ni Cynthia para sa kanilang grupo.
"Lalaban tayo at walang susuko, let’s end this night strong," pagtatapos niya sa kanyang post.
Ang SexBomb Girls ay isang sikat na grupong Filipino dancers at performers. Nabuo sila bilang dance group sa noontime show na Eat Bulaga!, kung saan sila ay naging bahagi ng segment na 'Laban o Bawi.' Kilala ang grupo sa kanilang energetic at daring dance performances, pati na rin sa kanilang mga catchy na kanta tulad ng Spaghetti, Get Get Aww, at Bakit Papa. Dahil sa kanilang kakaibang estilo at malakas na stage presence, mabilis silang naging household name at isa sa mga pinakasikat na girl groups sa Pilipinas noong kanilang kasikatan. Bukod sa pagsasayaw, pumasok din ang SexBomb Girls sa mundo ng musika, pelikula, at telebisyon. Ilan sa mga miyembro tulad nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, at iba pa ay nagkaroon ng kani-kanilang karera sa pag-arte at hosting matapos ang kanilang panahon sa grupo.

Read also
Rochelle Pangilinan, nag-post ukol sa akisdente sa 'SexBomb' Concert: "Babangon at babangon kami!"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inihayag ni Rochelle Pangilinan na "sumugal" sila nang magdesisyon na magkaroon ng SexBomb reunion concert. Ibinunyag niya na "walang gustong mag-produce" at puno ito ng kawalan ng kasiguraduhan. Aniya Rochelle, ang kanilang layunin ay makapagpasalamat at makapagbigay ng regalo sa kanilang fans. Para kay Rochelle, ang fans nila ang "backbone."
Samantalang ay nag-post si Evette Pabalan ng mga litrato ng kanilang reunion ni Izzy Trazona na puno ng emosyon at kulitan.. Nag-share ang SexBomb star ng dalawang Instagram updates na nagpapakita ng mga seryoso at nakakatawang sandali sa kanilang pagkikita.. Nagpahayag siya ng pagmamahal at saya na sa wakas ay muling nagtagpo ang landas nila ng kaniyang matagal na kaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
