Ruffa Gutierrez, may pasilip sa 84th birthday celebration ng kanyang ama

Ruffa Gutierrez, may pasilip sa 84th birthday celebration ng kanyang ama

  • Masayang ipinagdiwang ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez ang kanyang ika-84 na kaarawan
  • Tinawag ni Ruffa Gutierrez ang kanyang ama na kanilang "anchor" at pinakamalaking biyaya sa kanilang buhay
  • Makikita sa post ang masayang pagsasama-sama ng pamilya Gutierrez, kabilang ang asawang si Annabelle Rama at kanilang mga anak at apo
  • Hangad ni Ruffa ang patuloy na mabuting kalusugan para sa ama at ang pangarap na makapag-travel silang muli bilang isang kumpletong pamilya

Punong-puno ng pagmamahal at pasasalamat ang social media post ni Ruffa Gutierrez para sa espesyal na araw ng kanyang amang si Eddie Gutierrez. Ibinahagi kamakailan ni Ruffa ang isang family portrait mula sa selebrasyon ng ika-84 na birthday ng batikang aktor.

Ruffa Gutierrez, may pasilip sa 84th birthday celebration ng kanyang ama
Photos: @niceprintphoto, @iloveruffag on Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang caption, binigyang-pugay ni Ruffa ang makulay na buhay at legacy ng kanyang ama.

"Celebrating 84 beautiful years of love, wisdom, and legacy. Happy Birthday, Dad @eddiegutierrez06. Thank you for being our anchor and our greatest blessing," pahayag ng aktres.

Read also

Rochelle Pangilinan, nag-post ukol sa akisdente sa 'SexBomb' Concert: "Babangon at babangon kami!"

Sinabi rin niya na hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag kung gaano sila nagpapasalamat na kasama pa rin nila ang kanilang ama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kitang-kita sa mga larawan ang saya ng pamilya Gutierrez kung saan kasama rin ang asawa ni Eddie na si Annabelle Rama, at ang kanyang mga anak at apo. Sa kabila ng pag-upo ni Eddie sa isang wheelchair sa larawan, mababakas ang kanyang ngiti at ang pagiging "center" ng atensyon at pagmamahal ng lahat.

Mayroon ding hiling si Ruffa para sa ama na talagang nakaka-touch at nagpaantig sa puso ng marami.

"Our prayer is for you to continue staying healthy, and for us to travel together as a complete family soon. We love you!" dagdag pa ni Ruffa. Tinapos niya ang post sa pagpapasalamat sa Panginoon sa patuloy na paggabay sa kanilang pamilya.

Talaga namang isang inspirasyon ang pamilya Gutierrez pagdating sa pagpapahalaga sa kanilang mga magulang. Gaya ng sabi ni Ruffa, ang presensya ng kanilang ama ang isa sa pinakamahalagang regalo na tinatanggap nila hanggang ngayon.

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas World at nagwaging Second Runner-Up sa Miss World na ginanap sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, mayroon siyang dalawang anak na babae — sina Lorin at Venice — kasama ang dati niyang asawang si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, ipinagpatuloy din niya ang kanyang pag-aaral sa Philippine Women’s University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022, at nagsilbi itong inspirasyon sa maraming kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

Read also

Rochelle Pangilinan, labis ang pasasalamat sa BINI dahil sa regalo nila kay Shiloh

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay binigyang-pugay kamakailan ni Ruffa Gutierrez ang mahigit dalawang dekadang samahan nila ni Dra. Vicki Belo. Tinawag ni Ruffa na 'fairy godmother' ang doktora at ibinahagi ang kanilang matatag na friendship. Sa comments, pinuri naman ni Dra. Vicki ang katatagan ni Ruffa bilang isang 'sole breadwinner' at sa pagiging ina nito. Marami ang naantig sa pagmamahal na ipinakita ng dalawa.

Samantalang ay matagumpay na sumailalim sa operasyon ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez para sa kanyang kondisyon. Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez na nagpapagaling na ang kanyang ama sa isang hotel sa Singapore pagkatapos ng procedure. Nagpasalamat ang Pamilya Gutierrez sa medical team, lalo na sa mga Pilipinong nars at healthcare professionals na nag-alaga kay Eddie. Inamin ni Eddie na ramdam na niya ang paggaling at nagpasalamat din siya sa suporta ng mga kapwa Pilipino para sa kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco