Kiray Celis, ibinida ang 'dream car' na katas ng pagtitinda niya online
- Proud na ipinakita ni Kiray Celis ang kanyang bagong biling Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng mahigit ₱5.7M
- Inamin ng aktres na ang pambili ng sasakyan ay galing sa kanyang sipag sa pagla-live selling
- Kasama ni Kiray ang asawa niya na si si Stephan Estopia nang makuha niya ang kotse
- Pinatunayan ni Kiray na basta't may tiyaga at diskarte sa pangarap, walang imposible sa taong nagsisikap
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Iba talaga ang saya ng aktres at businesswoman na si Kiray Celis matapos niyang maabot ang isa na namang malaking milestone sa kanyang buhay ngayong 2026. Sa kanyang Instagram post nitong Sabado, ibinahagi niya ang mga larawan ng bago nilang "baby" — isang puting Toyota Land Cruiser na pinangalanan nilang "Shiro."

Source: Instagram
Hindi naging madali ang journey ni Kiray, pero proud niyang sinabi na bunga ito ng kanyang mga beauty products at walang tigil na pagtitinda sa internet.
"Yung nagka-Land Cruiser kayo dahil sa pagtitinda online. Sa operation yung asawa ko, ako sa posting at live selling," masayang caption ni Kiray sa kanyang post.

Read also
Ruffa Gutierrez, nagbalik-tanaw sa kaarawan ng kanyang ama: "The past year has been tough for you"
Kahit marami ang humahanga, hindi rin naiwasan na may mga kumuwestiyon sa kanya noon dahil sa pagiging live seller sa halip na mag-focus lang sa pag-aartista. Pero hindi ito pinansin ni Kiray dahil alam niyang dito siya mas mabilis kumikita para sa kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Para kay Kiray, ang sasakyang ito ay hindi lang basta luho kundi simbolo ng kanyang pagod.
"Pangarap noon, nasayo na ngayon. Grabe!" dagdag pa niya. Nagpasalamat din siya sa lahat ng resellers at customers na patuloy na sumusuporta sa kanyang mga brands gaya ng Hot Babe at Skin Vibe.
Talaga namang "goal" ang narating ni Kiray, na mula sa pagiging child star ay isa na ngayong matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya.
Si Kiray Celis ay isang Filipina actress, komedyante, negosyante, at vlogger. Nakilala siya nang husto bilang child star sa ABS-CBN show na Goin' Bulilit at kalaunan ay lumabas din sa Mara Clara. Sa paglipas ng mga taon, ipinakita ni Kiray ang kanyang versatility sa pagganap ng iba't ibang papel sa TV at pelikula. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nadiskubre ang kanyang hilig sa live selling sa social media, na naging daan para maitayo niya ang sarili niyang mga brand. Sa kanyang personal na buhay, inanunsyo ni Kiray ang kanyang engagement sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia noong 2025 lamang.

Read also
Alex Gonzaga, nagbahagi ng makuwelang birthday message kay Daddy Bonoy: "Nalagpasan na niya"
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nagbahagi si Kiray Celis ng madamdaming post para sa aktor na si Enchong Dee na nagsilbing Best Man sa kanyang kasal. Binalikan ni Kiray ang kanilang pagsasama sa 2016 film na 'I Love You to Death; kung saan kinasal ang kanilang mga roles. Ipinagmalaki ng aktres ang kanilang malalim na pagkakaibigan.
Samantalang noong taon din na iyon ay ibinahagi ni Kiray Celis ang mga unang larawan ng kanilang "grand honeymoon" ni Stephan Estopia sa Amanpulo. Matatandaang ikinasal ang dalawa sa isang bonggang ceremony noong December 13, 2025. Ipinasilip ng aktres ang kanilang luxury villa, private pool, at ang puting buhangin ng sikat na resort. Kita ang saya ng mag-asawa habang ine-enjoy ang kanilang unang mga araw bilang "Mr. and Mrs. Estopia."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh