Anne Curtis, emosyonal na nag-open up tungkol sa kanyang grief matapos pumanaw ang ama
- Inamin ni Anne Curtis na mala-"waves" ang dating ng lungkot simula nang pumanaw ang kanyang ama
- Aniya Anne, dahil daw dito ay nagbigay ng payo ang limang taong gulang na anak niyang si Dahlia
- Dahil dito ay naantig ang marami sa ibinahagi ni Anne tungkol sa payo ng kanyang anak
- Bagama't mahirap man ay unti-unting bumabalik sa trabaho ang kilalang aktres
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa interview ni Anne Curtis sa Fast Talk with Boy Abunda nitong buwan, naging emosyonal ang multimedia superstar habang ibinabahagi ang kanyang pinagdadaanan matapos pumanaw ang amang si James Curtis-Smith noong January 2026.

Source: Youtube
Ayon kay Anne, hindi madali ang mawalan ng magulang at madalas ay bigla na lang siyang inaatake ng lungkot.
"I've said this, but the grief really comes in waves. One day I'm okay and then the next thing Dahlia will say is 'I miss granddad' and I'm just like a mess," kwento ng aktres.

Read also
Ruffa Gutierrez, nagbalik-tanaw sa kaarawan ng kanyang ama: "The past year has been tough for you"
Sinabi rin niya na kahit lumilipas ang mga araw, hindi talaga nawawala ang sakit. Ngunit sa kabila ng kanyang pangungulila, ang anak niyang si Dahlia ang naging sandigan niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ikinuwento ni Anne ang isang pagkakataon kung saan naabutan siyang umiiyak ng bata.
"Even Dahlia told me when I had my little breakdown in front of her... she said, 'You know Mama, just think that granddad is a cloud in front of you,'" pagbabahagi ni Anne.
Dahil sa simpleng payo na ito ng kanyang anak, nagkaroon ng bagong kahulugan ang pagtingin ni Anne sa langit.
"So now when I look at the clouds it's something like I always remember my dad," dagdag pa niya.
Matatandaang inilarawan ni Anne ang kanyang ama bilang isang "gentle giant" at pasasalamat niya na mapayapa itong nakapagpahinga sa edad na 82. Kahit mabigat ang loob, pinipilit ni Anne na maging matatag para sa kanyang pamilya habang inaalala ang mga masasayang sandali nila ng kanyang ama.
Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipino-Australian na aktres at TV host. Nakilala siya sa iba't ibang teleserye gaya ng Hiram, Maging Sino Ka Man, at Dyosa. Simula noong 2009, isa na siyang pangunahing host ng noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine ay isa ring aktres. Sa personal na buhay, ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff. Noong 2020, isinilang nila ang kanilang unang anak na si Dahlia Amélie.

Read also
Ara Mina, may nakakaantig na birthday message para kay Cristine Reyes: "Ate will always be here"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Anne Curtis sa kanyang Instagram ng isang picture ng kanyang mga fans na may bitbit na mga banners. Humingi ng paumanhin ang aktres sa isang "bb boy" na may bitbit na sign na humihiling ng photo at kiss mula sa kanya. Ayon kay Anne, hindi niya nagawang lapitan ang bata noong oras na iyon.
Samantalang ay nag-viral ang naging hirit ni Anne Curtis sa 'It's Showtime' habang pino-promote ang pelikulang "The Loved One." Pabirong sinabi ng aktres na kung ayaw ng mga manonood sa English dialogue ay wag na lang sila manood. Ang hirit na ito ay tila pagpapatuloy ng kanyang viral na sagot sa isang basher sa platform na X kamakailan. Nakatakdang ipalabas ang The Loved One sa mga sinehan nationwide simula ngayong February 11.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh