Ruffa Gutierrez, nagbalik-tanaw sa kaarawan ng kanyang ama: "The past year has been tough for you"
- Isang madamdaming pagbati ang ibinahagi ni Ruffa Gutierrez para sa ika-84 na kaarawan ng kanyang ama na si Eddie Gutierrez
- Ayon kay Ruffa, naging hamon ang nakalipas na taon para sa kanyang ama, ngunit nanatili itong matatag at puno ng pag-asa
- Hinangaan ng aktres ang positibong pananaw ni Eddie na nagbigay ng lakas sa buong pamilya
- Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nagdasal at nagpadala ng magagandang mensahe para sa kanyang ama
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Punong-puno ng pagmamahal ang naging pagdiriwang ng ika-84 na kaarawan ng veteran actor na si Eddie Gutierrez. Sa isang Instagram post, nagbigay-pugay ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez sa katatagang ipinamalas ng kanyang ama sa kabila ng mga pinagdaanan nito sa nakalipas na taon.

Source: Instagram
Sa kanyang mensahe, inamin ni Ruffa na hindi naging madali ang nakaraang taon para kay Eddie. Gayunpaman, bilib siya dahil hindi kailanman nagpakita ng takot ang kanyang daddy.
"The past year has been tough for you, dad. Yet through it all, you never broke down. You never showed fear… only strength, grace, and a quiet smile that reassured all of us," ang naging pahayag ng aktres.

Read also
Alex Gonzaga, nagbahagi ng makuwelang birthday message kay Daddy Bonoy: "Nalagpasan na niya"
Ibinahagi rin ni Ruffa ang ilang mga larawan kasama ang ama at ang kanyang ina na si Annabelle Rama habang sila ay nage-enjoy sa isang restaurant. Sinabi ni Ruffa na ang positibong disposisyon ni Eddie ang naging sandigan nilang magkakapatid.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"You faced everything with positivity and calm courage, and that alone carried us through," dagdag pa niya.
Bilang pagtatapos, nakiusap si Ruffa sa kanyang ama na manatiling malusog at masaya. Wish niya para kay Eddie na marami pa itong ma-enjoy na Laker games at mga kanta ni Elvis Presley.
Hindi rin nakalimot ang pamilya na magpasalamat sa lahat ng mga tagahanga at kaibigan na patuloy na nagdarasal para sa kalusugan ni Eddie Gutierrez.
Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas World at nagwaging Second Runner-Up sa Miss World na ginanap sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, mayroon siyang dalawang anak na babae — sina Lorin at Venice — kasama ang dati niyang asawang si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, ipinagpatuloy din niya ang kanyang pag-aaral sa Philippine Women’s University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022, at nagsilbi itong inspirasyon sa maraming kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

Read also
Ara Mina, may nakakaantig na birthday message para kay Cristine Reyes: "Ate will always be here"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay binigyang-pugay kamakailan ni Ruffa Gutierrez ang mahigit dalawang dekadang samahan nila ni Dra. Vicki Belo. Tinawag ni Ruffa na 'fairy godmother' ang doktora at ibinahagi ang kanilang matatag na friendship. Sa comments, pinuri naman ni Dra. Vicki ang katatagan ni Ruffa bilang isang 'sole breadwinner' at sa pagiging ina nito. Marami ang naantig sa pagmamahal na ipinakita ng dalawa.
Samantalang ay matagumpay na sumailalim sa operasyon ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez para sa kanyang kondisyon. Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez na nagpapagaling na ang kanyang ama sa isang hotel sa Singapore pagkatapos ng procedure. Nagpasalamat ang Pamilya Gutierrez sa medical team, lalo na sa mga Pilipinong nars at healthcare professionals na nag-alaga kay Eddie. Inamin ni Eddie na ramdam na niya ang paggaling at nagpasalamat din siya sa suporta ng mga kapwa Pilipino para sa kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh