Alex Gonzaga, nagbahagi ng makuwelang birthday message kay Daddy Bonoy: "Nalagpasan na niya"

Alex Gonzaga, nagbahagi ng makuwelang birthday message kay Daddy Bonoy: "Nalagpasan na niya"

  • Ipinagdiwang ni Alex Gonzaga ang ika-71 na kaarawan ng kanyang ama na si Bonoy Gonzaga sa pamamagitan ng isang nakakatawang post sa Instagram
  • Pinasalamatan ng aktres ang Panginoon dahil sa maayos na kalusugan at buhay ng kanyang ama na kilala rin bilang si "Daddy Bonoy"
  • Sa kanyang caption, marami ang naaliw nang biruin ni Alex ang kanyang daddy tungkol sa kanta ni Ed Sheeran na "Thinking Out Loud"
  • Nagbahagi rin siya ng mga sweet na larawan ng kanilang pamilya, kasama na ang isang photo ni Daddy Bonoy at Mommy Pinty

Hindi mawawala ang kulit at saya tuwing may mahalagang okasyon sa pamilya nina Alex Gonzaga. Para sa ika-71 na kaarawan ng kanyang ama na si Bonoy Gonzaga, nag-post ang komedyante ng isang nakakaaliw pero punong-puno ng pagmamahal na mensahe para rito.

Alex Gonzaga, nagbahagi ng makuwelang birthday message kay Daddy Bonoy: "Nalagpasan na niya"
Alex Gonzaga, nagbahagi ng makuwelang birthday message kay Daddy Bonoy: "Nalagpasan na niya" (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, makikita ang mga larawan nina Alex at Daddy Bonoy na masayang magkayakap.

Ayon kay Alex, "71 na daddy namin, thank you Lord Jesus!" Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Daddy Bonoy habang ipinagdiriwang ang kanyang espesyal na araw kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Read also

Ara Mina, may nakakaantig na birthday message para kay Cristine Reyes: "Ate will always be here"

Siyempre, hindi pinalampas ni Alex ang pagkakataon na maglagay ng kanyang trademark na humor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Biniro niya ang kanyang ama tungkol sa isang sikat na kanta ni Ed Sheeran, sa pagsasabing, "Nalagpasan na niya si Ed Sheeran sa Thinking Out Loud hehe." Ito ay bilang pagtukoy sa edad ng kanyang ama at sa linyang "till we're 70" sa nasabing kanta.

Bukod sa kanilang mga litrato, nag-share din si Alex ng isang napaka-sweet na larawan nina Daddy Bonoy at Mommy Pinty habang sila ay kumakain sa labas.

Sa comment section naman ng post ni Alex ay inulan ng well-wishes at birthday greetings si Daddy Bonoy.

Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.

Read also

Angeline Quinto, inaming nagtampo kay Yeng Constantino dahil sa kanyang kasal

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nagbahagi si Alex Gonzaga ng isang mataimtim at emosyonal na post sa Instagram habang naghahanda. Ipinagmalaki ng aktres na sa kanilang bagong bahay sila magdiriwang ng New Year kasama ang asawa niya na si Mikee Morada. Inamin ni Alex na bagama't nagsimula ang taon sa isang "loss," nakita niya kung paano sinagot ang kanyang mga dasal sa tamang panahon. Pinasalamatan niya ang Panginoon at nangakong patuloy na mananalig sa Kanyang mga pangako para sa susunod na taon.

Samantalang noong taon din na iyon ay sinubukan naman nina Alex at Toni Gonzaga ang "Randomly Hugging Your brother-in-law Challenge" sa kanilang mga asawa. Umani na nga ito ng mahigit 2.2 million views sa Instagram ang nakakatawang reaksyon nina Mikee Morada at Paul Soriano. Halatang nagulat ang dalawang asawa nang bigla silang yakapin ng kani-kanilang hipag.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco