Angeline Quinto, inaming nagtampo kay Yeng Constantino dahil sa kanyang kasal
- Inamin ni Angeline Quinto sa 'Chad Kinis Show' na nagtampo siya noon sa kaibigan niyang si Yeng Constantino noong kanyang kasal
- Si Yeng ang unang nakakaalam sa balak na pagpapakasal nina Angeline at Nonrev Daquina dahil siya ang personal na pinili ni Angeline na kumanta sa bridal march
- Aniya kasi ni Angge, gustong-gusto daw niyang kantahin ni Yeng ang hit song nito na 'Ikaw'
- Ngunit ilang linggo lamang bago ang kasal ay kinontact ni Yeng si Angeline
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang masayang kwentuhan sa 'Chad Kinis Show,' naging tapat ang singer na si Angeline Quinto tungkol sa isang sitwasyon na nagdulot sa kanya ng lungkot noong paghahanda para sa kanyang kasal kay Nonrev Daquina noong 2024.

Source: Instagram
Diretsahang tinanong ni Chad si Angeline kung totoo bang nagtampo ito sa isang kaibigan na hindi nakadalo sa kanyang big day.
Walang pag-aalinlangang sumagot si Angeline, "Oo, nagtampo ako kay Yeng."
Kwento ng singer, si Yeng Constantino ang unang-unang kaibigan na sinabihan niya tungkol sa kasal—nauna pa kina Vice Ganda at Erik Santos—dahil mayroon siyang espesyal na hiling.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Siya kasi dapat ang kakanta sa bridal march ko, siya agad yung naisip ko nun kasi gusto ko yung song na Ikaw," paliwanag ni Angeline.
Noong una ay pumayag si Yeng, kaya naman kampante at laking pasasalamat ni Angeline. Ngunit makalipas ang isang buwan at kung kailan malapit na ang petsa ng kasal ay nagpaalam si Yeng na hindi na siya makakarating dahil sa isang mahalagang commitment.
Dahil dito, inamin ni Angeline na sumama ang loob niya dala na rin ng pressure. "So na-feel bad ako, siguro nagsasama yung pressure kasi ilang linggo na lang malapit na tas wala nang kakanta," aniya.
Dahil sa huling minutong pagbabagong ito, napilitan si Angeline at ang producer na si Sir Jonathan na gumawa ng isang original song para gamitin sa kanyang paglakad sa altar. Gayunpaman, nilinaw ni Angeline na alam ni Yeng ang tungkol sa kanyang naging tampo at nananatili pa rin silang magkaibigan sa kabila ng nangyari.
Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer, actress, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Nakilala siya matapos manalo sa talent search na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011, kung saan ipinamalas niya ang kanyang makapangyarihan na boses. Mula noon, naging tanyag siya sa pagbirit ng mga ballad at theme song para sa mga pelikula at teleserye. Bukod sa pagkanta, pumasok din si Angeline sa pag-arte, at gumanap sa iba't ibang pelikula at teleserye. Kilala rin siya sa kanyang pagiging palabiro at masayahin sa mga palabas at panayam, dahilan upang maging paborito siya ng mga tao, lalo na nga ng kanyang mga fans.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay ipinagdiwang ni Angeline Quinto ang Pasko kasama ang asawang si Nonrev Daquina at kanilang mga anak na sina Sylvio at Sylvia. Ibinahagi ng "Power Diva" ang mga larawan ng kanilang pamilya sa harap ng Christmas tree. Tuwang-tuwa rin ang ilang mga netizens nang makita ang mga cute na anak ni Angeline na ine-enjoy ang kanilang mga bagong laruan para sa Pasko.
Samantalang noong taon din na iyon ay ibinahagi ni Angeline Quinto na nakatanggap siya ng “diamonds” matapos ang ASAP show. Hindi man pinangalanan, nahulaan ni Antoinette Jadaone na si Regine Velasquez ang nagbigay. Kinuwento rin ni Angeline na hindi ito ang unang beses na niregaluhan siya ng jewelry ng Asia’s Songbird. Matagal nang fan ni Regine si Angeline at malaki ang impluwensiya nito sa kanyang career.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


