Pokwang, may makuwelang video sa pagbili ng 'lupa': "Iba ako mainip"
- Ibinahagi ni Pokwang sa isang nakakatawang video ang kanyang ginagawa kapag siya raw ay naiinip
- Sa naturang post, aniya Mamang Pokie ay bumibili raw siya ng 'lupa' at 'e-trike'
- Gayunpaman, ipinakita niya ang tinutukoy niyang 'lupa' kung kaya't naaliw ang kanyang mga fans
- Dahil dito ay patuloy na naaaliw ang marami sa pagiging makuwela ng kilalang aktres
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Iba talaga ang level ng pagiging wais at nakakatawa ni Pokwang. Sa kanyang latest Instagram post, biniro niya ang kanyang mga followers tungkol sa kanyang ginagawa kapag wala siyang pinagkakaabalahan.

Source: Instagram
Aniya kasi ng aktres sa caption, "Iba ako mainip, namimili ako ng lupa at e-trike hahahahaha."
Sa simula ng video, sinabi ni Pokwang na bibili siya ng 'lupa' dahil naiinip siya sa bahay. Pero pagdating niya sa bilihan, ipinakita niya ang mga sako ng garden soil o lupang pananim.
"Ganyan ako pag nainip sa bahay, wala akong magawa, kaya bibili ako ng lupa," biro niya sa naturang video habang pinapakilala pa ang kanilang mga 'agent' umano.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Isa na ngang ganap na "plantita" ang aktres at ipinagmalaki pa niya ang kanyang mga bagong ayos na halaman sa garden.
Hindi lang lupa ang pinagkaabalahan ni Pokwang dahil ipinakita rin niya ang kanyang bagong e-trike na ikina-inspire naman ng iba niyang followers. Ayon sa kanya, dadalhin nila ito sa kanilang beach house sa Camaya para magamit doon.
Kahit marami siyang ginagawa, hindi nakakalimutan ni Pokwang na magpasalamat sa Diyos. Paalala niya sa kanyang video, "Iba pa rin ang dasal sa Diyos, walang makakapantay dun."
Talaga namang patuloy na nagsisilbing inspirasyon ang kanyang pagiging positibo at paghahanap ng saya sa mga simpleng bagay sa buhay.
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay pinuri ni Pokwang ang pelikulang 'UnMarry' dahil sa ganda ng pagkakasulat at husay ng mga gumanap. Partikular na binigyang-pugay ng komedyante ang pagganap nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Eugene Domingo. Nag-comment si Angelica Panganiban para pasalamatan si Pokwang sa pagsuporta nito sa kanilang proyekto. Ibinahagi ni Pokwang na maraming matututunan ang mga manonood tungkol sa usaping legal ng annulment.
Samantalang noong taon din na iyon ay kinumpirma na ni Pokwang na ang lalaking sangkot sa viral na video sa Facebook ay ang kanyang kapatid. Humingi siya ng tawad sa pamilya, lalo na sa anak, at nangakong dadalawin niya ito. Nilinaw niya na ang pagkakamali ng kapatid niya ay hindi niya kinatutuwa at hindi dapat iugnay sa kanya at sa buong pamilya nila. Nagpaalala rin siya laban sa cyberbullying.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

