Sofia Andres, may pagninilay sa taong 2026: "The weight I carried for years slowly lifted"
- Isang makahulugang post ang ibinahagi ni Sofia Andres sa Instagram tungkol sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay
- Sinabi ng aktres na gumaan na ang pakiramdam niya matapos bitawan ang mga bagay na hindi naman para sa kanya
- Ramdam na ramdam ni Sofia ang "peace" at "clarity" sa kanyang puso ngayong pumasok na ang bagong taon
- Nag-post din siya ng mga litrato kasama ang kanyang pamilya at isang "I love you" note na gawa ng kanyang anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng isang napaka-honest na update ang aktres na si Sofia Andres para sa kanyang mga followers ngayong kakasimula pa lamang ng taon. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang isang mahalagang lesson na natutunan niya tungkol sa pagpapalaya ng mga bigat sa loob.

Source: Instagram
Ayon kay Sofia, hindi siya binalaan ng taong 2026 sa mga darating na pagbabago. Sinabi niya, "It met me after I chose to release what no longer belonged to me. The weight I carried for years slowly lifted."
Base sa kanyang caption, tila nahanap na nga ng aktres ang katahimikan na matagal na niyang hinahanap. Dagdag pa niya, ang natitira na lang sa kanya ngayon ay "peace, clarity, and lightness."
Kasabay ng kanyang mensahe ay ang mga litrato ng kanyang masayang bonding kasama ang partner na si Daniel Miranda at ang kanilang anak na si Zoe. Ipinakita rin niya ang isang cute na papel kung saan may nakasulat na "I love you" na puno ng kulay, na tila gawa ng kanyang anak. Para kay Sofia, napakasaya ng pakiramdam na ito at gusto niya lang munang mag-slow down sa buhay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maraming fans at kaibigan sa showbiz, kabilang na si Kathryn Bernardo, ang nag-like sa post na ito ni Sofia.
Kitang-kita na marami ang natutuwa para sa aktres dahil sa positibong pananaw niya sa buhay ngayon.
I-view ang original na post dito:

Source: Instagram
Si Sofia Andres ay isang sikat na Filipina actress at model. Nagsimula siya sa lokal na industriya bilang isang commercial model sa murang edad. Ang kanyang unang malaking break ay bilang si Dindi Maghirang sa teleseryeng Princess and I noong 2012, kasunod ng mga pelikulang She's the One at She's Dating the Gangster, kung saan nakasama niya ang sikat na tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Simula noon, naging tanyag na siya sa mga iba't ibang proyekto tulad ng Forevermore, Pusong Ligaw, Bagani, at higit pa. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala rin si Sofia bilang isang fashion at beauty influencer. Samantalang sa personal naman niyang buhay, si Sofia ay may anak na babae na si Zoe sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay naging usap-usapan ang aktres na si Sofia Andres sa social media. Kamakailan ay nag-post kasi ito ng cryptic na mensahe sa Threads page. Ang kanyang post ay ukol sa pangongopya umano at sa salitang "clout." Napaisip tuloy ang ilan kung sino o kung meron ba siyang pinatutungkulan na tao dahil sa mensahe ng post na ito.
Samantalang noong taon din na iyon ay naging usap-usapan si Sofia Andres dahil sa kanyang bonggang diamond ring. Sa post, ibinahagi ni Sofia na galing ang singsing sa Burt and Gurt Jewellery. Agad naman nag-viral ang post ng aktres at inulan ng "congratulations" mula sa celebrities. Ngunit, sa gitna ng pag-viral ng kanyang post ay nag-share si Sofia ng isang follow-up note.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

