Katrina Halili, naaliw sa pinamiling jacket ng anak niya na si Katie: "Yan tayo eh"

Katrina Halili, naaliw sa pinamiling jacket ng anak niya na si Katie: "Yan tayo eh"

  • Nag-post si Katrina Halili sa Instagram para ibahagi ang kanyang reaksyon sa pinamili ni Katie
  • Ayon sa aktres, kagabi lang nag-order ang anak ng nasabing jacket at agad nitong ni-reveal ang kanyang "inspiration" sa pagbili
  • Biro ni Katrina, tila may ginaya ang kanyang anak kaya ito bumili ng terno na damit
  • Sinabihan pa ng aktres ang anak ng "como-couples jacket kagabi, anak ah" bilang biro kay Katie

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling naghatid ng good vibes sa kanyang mga followers ang aktres na si Katrina Halili matapos niyang i-post ang isang selfie kasama ang kanyang anak na si Katie. Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, February 1, 2026, ibinahagi ni Katrina ang kanyang nakakatawang obserbasyon sa bagong damit ng kaniyang anak.

Katrina Halili, naaliw sa pinamiling jacket ng anak niya na si Katie: "Yan tayo eh"
Katrina Halili, naaliw sa pinamiling jacket ng anak niya na si Katie: "Yan tayo eh" (@katrina_halili)
Source: Instagram

Kuwento ng aktres, mabilisang nag-order si Katie ng isang terno jacket kagabi. Ngunit laking gulat ni Katrina nang i-reveal ni Katie na may "ginaya" pala ito kaya kailangang maging terno ang kaniyang suot.

Read also

Bea Borres, binigyang-pugay ang pagbibigay ng kaniyang apelyido sa anak

Hindi naman pinalampas ng Kapuso actress ang pagkakataon na asarin ang kaniyang dalagita.

"Yung nag-order ang anak ko ng terno jacket kagabi, at ngayon ni-reveal niya na may ginaya pala siya kaya niya binili yan," saad ni Katrina sa kaniyang caption. Sinundan pa niya ito ng isang hirit na, "como- couples jacket kagabi anak ah. yan tayo eh!" na sinamahan niya ng nakakatawang emoji.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makikita sa larawan na masayang nakangiti si Katrina habang nasa likod naman niya si Katie na nakasuot ng kaniyang bagong white, black, at maroon na jacket. Maraming netizens ang natuwa sa closeness ng dalawa, kung saan komento ng ilan ay parang magkapatid lang ang turingan nila dahil sa kanilang kulitan.

Katrina Halili, naaliw sa pinamiling jacket ng anak niya na si Katie: "Yan tayo eh"
Screenshot mula sa Instagram ni @katrina_halili
Source: Instagram

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Read also

Vicki Belo, nakilahok sa viral 2016 'throwback' trend: "My heart is full"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan sa Facebook ang isang video kung saan makikitang game na game na naki-uso sa isang TikTok trend sina Katrina Halili at Kris Lawrence. Umabot na sa mahigit 13 million views ang nasabing video simula nang i-post ito sa Facebook. Sa kabila ng kanilang nakaraan, ipinakita ng dalawa na maayos ang kanilang relasyon bilang co-parents para sa anak nila na si Katie.

Samantalang ay naaliw ang aktres na si Katrina Halili sa naging mensahe at payo ng kanyang anak na si Katie para sa kanila ng papa nito. Ayon kay Katrina, sinabihan siya ni Katie na magbenta siya ng produkto na nakapangalan mismo sa kanya. Pinayuhan din ng bata ang kanyang papa na magbenta ng para magkaroon daw sila ng "maraming pera" na kinagiliwan naman ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco