Lian Paz, nagbahagi ng mensahe ng pag-asa matapos ang viral 'FTBA' Interview

Lian Paz, nagbahagi ng mensahe ng pag-asa matapos ang viral 'FTBA' Interview

  • Nagbahagi si Lian Paz ng isang madamdaming post sa Instagram matapos makatanggap ng mga positibong mensahe mula sa netizens na naantig sa kanyang kwento ng pagpapatawad
  • Ayon sa dating aktres, hindi binura ng Diyos ang kanyang masakit na nakaraan kundi "ni-redeem" o binigyang-muli ito ng bagong kabuluhan at pag-asa
  • Ipinahayag ni Lian na nahanap siya ng Diyos sa kanyang "lowest point" noon
  • Sa naturang post, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsuko ng buhay sa Diyos

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang naging tapat na pag-amin ni Lian Paz sa 'Fast Talk with Boy Abunda' tungkol sa pag-aayos nila ng ex-husband niya na si Paolo Contis, bumuhos ang suporta at paghanga mula sa publiko.

Lian Paz, nagbahagi ng mensahe ng pag-asa matapos ang viral 'FTBA' Interview
Lian Paz, nagbahagi ng mensahe ng pag-asa matapos ang viral 'FTBA' Interview (@johncabahug87)
Source: Instagram

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang emosyon, na nagsasabing nakakaiyak at punong-puno ng aral tungkol sa pagpapakumbaba at pagpapatawad ang kanyang kwento.

Dahil sa mainit na pagtanggap na ito, nag-post si Lian ng kanyang pasasalamat at mga naging realisasyon sa buhay.

Read also

Lian Paz, naging bukas tungkol sa pagkakaayos nila ni Paolo Contis

Binanggit niya ang Galatians 2:20 at sinabing, "God never erased my past, He redeemed it!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinaliwanag niya na kahit noong panahong punong-puno siya ng kahihiyan, ang Diyos ay tahimik na gumagawa sa kanyang buhay.

Ayon pa kay Lian, ang pinakamagandang katangian ng Panginoon ay ang pagmamahal nito kahit sa mga makasalanan.

"The moment you surrender your life to him, Boom! (Yan lang hinihintay niya!) (Ang tagal lang natin mag surrender!)" ani Lian sa kanyang post.

Dagdag pa niya, hindi raw tinitingnan ng Diyos ang mga tao base sa mga pagkakamali nito kundi sa kagustuha nitong sumunod at patuloy na bumangon. Sa huli, inialay ni Lian ang lahat ng papuri at karangalan sa Diyos.

Si Lian Paz ay isang dating Filipina aktres at mananayaw na sumikat bilang miyembro ng sikat na dance group na EB Babes, na kilala sa kanilang mga performances at paglabas sa pelikula, telebisyon, at music videos. Bukod sa pagiging dancer, sumubok din siya sa pag-arte at lumabas sa ilang proyekto sa TV at pelikula, kadalasan bilang supporting actress. Dahil sa kanyang galing at charm, naging pamilyar ang kanyang mukha sa showbiz, ngunit kalaunan ay iniwan niya ang industriya upang mag-focus sa kanyang personal na buhay. Bukod pa rito ay nakilala rin si Lian bilang dating asawa ng komedyanteng si Paolo Contis, kung saan mayroon silang dalawang anak na sina Xonia at Xalene. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan, natagpuan ni Lian ang bagong pag-ibig sa kanyang asawang si John Cabahug.

Read also

MC at Lassy, nagbigay ng opinyon sa 'presidential buzz' kay Vice Ganda

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinagdiwang ni Lian Paz ang ika-10 na kaarawan ng kanyang "sweet girl" na si Niña. Sa kanyang Instagram post, hindi makapaniwala ang dating dancer kung gaano kabilis lumaki ang kanyang bunsong anak. Inilarawan ni Lian si Niña bilang isang bata na mapagmahal, caring, at madasalin. Ibinahagi rin niya ang katuwaan dahil grabe rin ang pananalig ng kanyang anak sa Diyos.

Samantalang ay ibinahagi ni Lian Paz ang mga 'never-before-seen' na larawan mula sa kanyang kasal kay John Cabahug noong September 2025. Inilarawan ng dating dancer ang nakaraang taon bilang panahon ng pagtitiwala sa plano ng Diyos at paghihintay. Makikita sa mga larawan ang matatamis na photos nila ni John mula sa naturang ceremony na kinakiligan naman ng maraming netizens sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco