Heartwarming post ni Ellen Adarna, viral: "My kiddos clearly ALWAYS have other plans"

Heartwarming post ni Ellen Adarna, viral: "My kiddos clearly ALWAYS have other plans"

  • Nagpagawa kamakailan si Ellen Adarna ng isang napakalaking kama na kanyang ibinida sa Instagram
  • Ngunit sa kabila ng lawak ng kama, biro ng dating aktres na laging nauuwi sa siksikan ang kanilang pagtulog dahil mas gusto ng kanyang mga anak na magkatabi sila
  • Pinili ni Ellen ang Montessori style bed para sa kaligtasan ng mga bata at para na rin sa kanyang peace of mind bilang isang ina
  • Naglagay din siya ng extra bed sa tabi para sa kanyang mga kaibigan na nais ding matulog sa kanilang kwarto

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa kanyang pinakabagong Instagram post, ibinahagi ni Ellen Adarna ang kanyang diskarte para sa kumportable at ligtas na pagtulog ng kanyang mga anak.

Heartwarming post ni Ellen Adarna, viral: "My kiddos clearly ALWAYS have other plans"
Heartwarming post ni Ellen Adarna, viral: "My kiddos clearly ALWAYS have other plans" (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

ipinakita niya ang isang napakalawak na sleeping area na sadyang ipinagawa niya para sa kanyang pamilya.

"I picked two queen beds and had them customized into one so everyone could have their own space," paliwanag ni Ellen sa kanyang caption.

Read also

Post ng beauty guru na si Anne Clutz tungkol sa kalusugan ng mister niya, inulan ng dasal

Ngunit tila mas bet pa rin ng kanyang mga anak na sumiksik sa pwesto niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa celebrity mommy, "My kiddos clearly ALWAYS have other plans. Somehow we always end up squished together anyway."

Bukod sa laki, binigyang-diin din ni Ellen ang kahalagahan ng safety sa pagpili ng kama.

"We also chose a Montessori style bed for extra safety and peace of mind — because mama never stops worrying... even in her sleep," biro pa niya.

Ang ganitong uri ng kama ay karaniwang mababa o nasa sahig lamang para maiwasan ang aksidenteng pagkahulog ng mga bata.

Hindi lang para sa pamilya ang kanyang inihandang space dahil mayroon ding nakalaang pwesto para sa kanyang mga "BFFs" na nais makitulog sa kanila.

Sa huli, nagpasalamat si Ellen sa gumawa ng kanilang kama dahil sa "family cuddle spot approved" na disenyo nito para sa kanilang pamilya.

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

Sharon Cuneta, ipinasyal at ipinamili ang kanyang mga tapat na "angels"

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay pinuri ni Ellen Adarna si John Lloyd Cruz dahil sa pagiging "present" na father figure nito sa buhay ni Elias. Inamin ng aktres na "very in love" at sobrang lapit ng relasyon ni Elias sa kanyang "dada." Ibinahagi ni Ellen na umiiyak pa ang anak dahil sa sobrang pangungulila tuwing kailangan na nitong umuwi. Labis talaga ang pasasalamat ni Ellen kay John Lloyd sa Q&A.

Samantalang noong taon din na iyon ay inamin ni Ellen Adarna na pinayagan niyang sumama ang anak na si Liana sa pamilya ni Derek Ramsay para sa kanilang trip sa England. Nakiusap umano ang ama ni Derek na isama ang bata, kaya naman nag-reconsider ang aktres. Samantala, ang panganay ni Ellen na si Elias ay kasalukuyang kasama ang amang si John Lloyd Cruz para sa Pasko ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco