Isabelle Daza sa paggamit niya ng gamot na tirzepatide: "I'm not ashamed"
- Sa isang Instagram post ay inamin ni Isabelle Daza na hindi siya nahihiyang gumamit ng Tirzepatide o Mounjaro
- Ipinaliwanag ng aktres na ang Mounjaro ay nakakatulong sa pagpapabilis ng metabolic system at nagsisilbing 'appetite whisperer'
- Binigyang-diin ni Isabelle na hindi ito "miracle drug" at dapat pa ring sabayan ng tamang page-exercise at malusog na lifestyle
- Gayunpaman, nagpaalala rin ang aktres na mahalagang magpakonsulta muna sa doktor bago sumubok ng ganitong gamot
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang matapang at tapat na Instagram post, ibinunyag ni Isabelle Daza ang kanyang sikreto sa pagpapapayat, kung saan diretsahang inamin ni Isabelle na siya ay gumagamit ng Mounjaro.

Source: Instagram
"I’m not ashamed to say I’m on Tirzepatide (Mounjaro) and I feel great on it," ani Isabelle sa kanyang post.
Kasama ang kanyang doktora na si Dra. Vicki Belo, ipinaliwanag niya kung paano gumagana ang nasabing gamot na mayroon ding GLP-1 at GIP peptides. Ayon sa kanya, ang GLP-1 ay parang isang "appetite whisperer" na nagpaparamdam sa tiyan na busog na ito, habang pinapabilis naman nito ang metabolic system ng katawan.
Sa kabila ng magandang resulta, nilinaw ni Isabelle na hindi ito dapat ituring na himala o "miracle drug" lang. Para sa kanya, mahalaga pa rin ang disiplina sa pagkain at ang regular na pag-eehersisyo para mapanatili ang muscle sa katawan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"It's the perfect addition to your routine if you're already doing healthy habits," paliwanag pa ng aktres.
Nagbigay din ng babala si Isabelle sa kanyang mga followers na wag basta-bastang susubok nang walang gabay ng mga doktor. Ipinayo niya na kailangang magpa-check up muna upang malaman kung angkop ba ang gamot na ito sa kanilang kondisyon. Para kay Isabelle, ang pagkakaroon ng maayos na gabay mula sa mga doktor ang nagbigay sa kanya ng kumpiyansa na ituloy ang nasabing gamutan.
Si Isabelle Daza-Semblat ay isang Filipina actress, TV host, model, at entrepreneur. Anak siya ni Gloria Diaz, ang Miss Universe 1969 titleholder. Nag-debut siya noong 2011 sa GMA noontime show na Party Pilipinas. Kalaunan ay mas nakilala siya sa kanyang mga papel sa telebisyon, lalo na sa drama series na Tubig at Langis. Bukod sa pag-arte, kilala rin si Isabelle sa pagiging bukas tungkol sa mental health, kanyang mga adbokasiya, at mga negosyo. Isa rin siya sa mga co-founder ng kilalang apparel line na Recess, na pinagsasama ang activewear at lifestyle fashion.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay marami ang talagang naaliw sa video na ipinost ni Isabelle Daza online. Ang video na ipinost niya sa Instagram ay tungkol sa kanyang bunsong anak na si Esmeralda Gloria. Sapul kasi sa naturang viral clip ang laging tinatanong sa kanya ni Esmeralda. Dahil dito ay talagang labis na naaliw at natawa ang mga followers ni Isabelle.
Samantalang noong taon din na iyon ay pinuri si Isabelle Daza ng mga netizen sa social media. Bumista siya sa isang lokal na komunidad sa Ave Maria, Tanay, Rizal. Sa Instagram, ibinahagi ni Isabelle ang kasaysayan ng naturang lugar. Ayon sa kanya, ang lugar ay isang bagay na natanggap ng kanyang ina. "My target for the next 12 months is to put up a water tank for the village," aniya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

