Ruffa Gutierrez, may nakaka-touch na birthday tribute para kay Dra. Vicki Belo

Ruffa Gutierrez, may nakaka-touch na birthday tribute para kay Dra. Vicki Belo

  • Binigyang-pugay kamakailan ni Ruffa Gutierrez ang mahigit dalawang dekadang samahan nila ni Dra. Vicki Belo
  • Tinawag ni Ruffa na 'fairy godmother' ang doktora at ibinahagi ang kanilang matatag na friendship
  • Sa comments, pinuri naman ni Dra. Vicki ang katatagan ni Ruffa bilang isang 'sole breadwinner' at sa pagiging ina nito
  • Marami ang naantig sa pagmamahal na ipinakita ng dalawa sa kanilang palitan ng mensahe sa Instagram

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sobra ang tamis at pagmamahal sa naging pagbati ng aktres na si Ruffa Gutierrez para sa kaarawan ng kilalang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo. Sa kanyang Instagram post, nagbahagi si Ruffa ng carousel of photos nilang dalawa kalakip ang isang mensahe na nagpapatunay ng kanilang matatag na friendship.

Ruffa Gutierrez, may nakaka-touch na birthday tribute para kay Dra. Vicki Belo
Ruffa Gutierrez, may nakaka-touch na birthday tribute para kay Dra. Vicki Belo (@iloveruffag)
Source: Instagram

Ayon kay Ruffa, higit 25 taon na siyang endorser ng Belo Medical Group, pero higit pa rito, itinuturing na niyang tunay na kapamilya ang doktora.

Aniya sa kanyang caption, "For more than 25 years, I’ve been honored to be more than just your endorser for @belobeauty, you are family to me."

Read also

Post ng beauty guru na si Anne Clutz tungkol sa kalusugan ng mister niya, inulan ng dasal

Binalikan din ng aktres ang kanilang mga quiet catch ups sa Dasmariñas Village kung saan nagkakaroon sila ng pagkakataong mag-usap nang masinsinan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Some of my most cherished moments are our quiet catch ups at Dasma ~ just the two of us, talking, laughing, crying, and sharing life through the years. So many beautiful memories!" dagdag pa ni Ruffa habang pinapasalamatan ang doktora sa pag-aalaga at pagkakaibigan nito.

Hindi naman nagtagal at sumagot si Dra. Vicki sa nasabing post upang pasalamatan din si Ruffa sa pagiging tapat nito.

"Thank you for being so loyal and true. Family indeed," simula ng doktora. Sa kanyang reply, hindi itinago ni Dra. Vicki ang paghanga sa pagiging super mom ni Ruffa. "I’m so proud of how you’ve raised such wonderful daughters while being the sole bread winner and getting a college degree all at the same time while looking poised and beautiful doing it," pagpuri ni Dra. Vicki sa aktres.

Mabilis namang sumagot si Ruffa at sinabing malaki ang naging epekto sa kanya ng huli nilang pag-uusap ng doktora.

Read also

Andi Eigenmann, napa-comment sa '2016' post ni Matteo Guidicelli

"Thank you, doc! Our last conversation inspired me a lot. Let’s celebrate your birthday soon. Thank you for everything! Love you!" ani Ruffa.

Ruffa Gutierrez, may nakaka-touch na birthday tribute para kay Dra. Vicki Belo
Screenshot mula sa Instagram ni @iloveruffag
Source: Instagram

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas World at nagwaging Second Runner-Up sa Miss World na ginanap sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, mayroon siyang dalawang anak na babae — sina Lorin at Venice — kasama ang dati niyang asawang si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, ipinagpatuloy din niya ang kanyang pag-aaral sa Philippine Women’s University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022, at nagsilbi itong inspirasyon sa maraming kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay matagumpay na sumailalim sa operasyon ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez para sa kanyang kondisyon. Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez na nagpapagaling na ang kanyang ama sa isang hotel sa Singapore pagkatapos ng procedure. Nagpasalamat ang Pamilya Gutierrez sa medical team, lalo na sa mga Pilipinong nars at healthcare professionals na nag-alaga kay Eddie. Inamin ni Eddie na ramdam na niya ang paggaling at nagpasalamat din siya sa suporta ng mga kapwa Pilipino para sa kanilang pamilya.

Read also

Benj Manalo, may matamis na mensahe para sa wedding anniversary nila ni Lovely Abella

Samantalang ay nag-post si Ruffa Gutierrez ng isang masayang video sa Instagram habang nagli-lipsync sa kantang 'Where is My Husband!' Sa kanyang caption, pabirong sinabi ng aktres na ang kanyang status ngayon ay "living my best life." Ipinasilip din ni Ruffa ang kanyang bagong "fresh cut" at hair color matapos bumisita sa isang salon. Maraming netizens at malalapit na kaibigan, gaya ni Marjorie Barretto, ang nag-like sa post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco