Post ng beauty guru na si Anne Clutz tungkol sa kalusugan ng mister niya, inulan ng dasal

Post ng beauty guru na si Anne Clutz tungkol sa kalusugan ng mister niya, inulan ng dasal

  • Ibinahagi ni Anne Clutz na na-diagnose ang kanyang asawa na si Kitz ng kidney cancer
  • Sa kabila ng sakit, pinipili ng pamilya ang pag-asa at pagtitiwala sa proseso ng paggaling
  • Sa post, binigyang-diin ni Anne na kumakapit sila sa pananampalataya at pagmamahal sa gitna ng pagsubok
  • Nagpasalamat ang vlogger sa lahat ng nagpapadala ng dasal at suporta para sa kanilang pamilya

Sa isang emosyonal na post sa Facebook, ibinahagi ng kilalang beauty vlogger na si Anne Clutz ang isang balitang hindi nila inaasahan: ang pagkakaroon ng kidney cancer ng kanyang asawa na si Kitz. Ayon kay Anne, ang pangyayaring ito ay isang sorpresang dala ng buhay na kailanman ay hindi nila inakala.

Post ng beauty guru na si Anne Clutz tungkol sa kalusugan ng mister niya, inulan ng dasal
Photos: Anne Clutz on Facebook
Source: Instagram

Inamin ni Anne na naging mahirap ang mga nakaraang araw para sa kanilang pamilya dahil sa bigat ng sitwasyon.

"Life surprised us in a way we never expected. Kitz has been diagnosed with kidney cancer. It's been scary, painful, and overwhelming but we are choosing hope," pahayag ni Anne sa kanyang post.

Read also

Andi Eigenmann, napa-comment sa '2016' post ni Matteo Guidicelli

Sa gitna ng takot at sakit, sinabi ni Anne na sinusubukan nilang harapin ang pagsubok na ito nang "one day at a time." Naniniwala sila na sa tulong ng pananampalataya at pagmamahal ay malalagpasan nila ang hamong ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"We're taking this one day at a time, trusting the process and leaning on faith and love," dagdag pa niya.

Hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Anne sa kanyang mga followers na patuloy na nag-aalay ng suporta at dasal para sa mabilis na recovery ni Kitz. Ramdam na ramdam daw nila ang pagmamahal ng kanilang komunidad sa panahong ito.

"Thank you for keeping us in your prayers. We feel your support more than you know. Salamat po," pagtatapos ng vlogger.

Matatandaang si Kitz ay madalas na napapanood sa mga vlogs ni Anne, kaya naman marami sa kanilang mga fans ang nagulat at nalungkot sa balitang ito. Sa ngayon, bumubuhos ang mga mensahe ng pakikiramay at pagsuporta para sa buong pamilya Clutz sa social media.

Si Anne Clutz ay isang Filipina beauty and lifestyle influencer, content creator, at negosyante na unang nakilala sa YouTube. Sumikat siya dahil sa kanyang mga makeup tutorials, product reviews, at vlogs na simple, relatable, at madaling sundan, kaya mabilis siyang nagkaroon ng solid na following online. Dahil sa kanyang tapat na opinyon at praktikal na tips, naging isa siya sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang beauty vloggers sa Pilipinas, lalo na sa mga naghahanap ng abot-kaya at epektibong produkto. Sa personal niyang buhay, siya ay isang asawa at ina, at madalas niyang ibinabahagi ang kanyang motherhood journey sa social media, na lalong nagpalapit sa kanya sa kanyang mga tagasubaybay.

Read also

Benj Manalo, may matamis na mensahe para sa wedding anniversary nila ni Lovely Abella

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Rana Harake, kapatid ni Zeinab Harake, ng malungkot na balita tungkol sa kalusugan ng kanyang anak na si Thirdy. Na-ospital ang bata matapos itong ma-diagnose na may pneumonia. Sa post, sinabi ni Rana na sobrang sakit para sa kanya na makitang nahihirapan ang kanyang anak. Pinayuhan niya ang ibang mga magulang na mas mag-ingat at gumamit ng mask para sa proteksyon.

Samantalang ay napa-reflect naman si Xian Gaza sa kanyang Facebook post tungkol sa dahilan ng kanyang pagbiyahe sa iba't ibang bansa. Naalala niya ang isang video niya sa Cambodia noong 2017 na binatikos ng publiko, na naging inspirasyon niya para magsumikap. Ang karanasang iyon ang nagturo sa kanya na gawing oportunidad ang mga puna sa halip na maghanap ng pagsang-ayon mula sa ibang tao. Nagbiro rin siya tungkol sa mabilis na paglipas ng panahon at sa mga pagbabagong napapansin niya sa kanyang sarili.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco