Sharon Cuneta, ipinasyal at ipinamili ang kanyang mga tapat na "angels"
- Naglabas si Sharon Cuneta ng isang bagong vlog kung saan ay na-feature niya ang kanyang mga kasambahay
- Ipinasyal ng Megastar ang kanyang staff sa mall para sa isang araw ng shopping at bonding
- Sa naturang video, talagang masayang pinag-shopping ni Sharon ang mga kasambahay niya
- Binigyang-diin ng aktres na itinuturing na niyang pamilya ang mga taong kasama niya sa bahay sa loob ng maraming dekada
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kanyang pinakabagong vlog, muling ipinakita ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang malaking puso para sa mga taong itinuturing niya nang pamilya. Sa nasabing video, binalikan ni Sharon ang mahabang kasaysayan niya kasama ang kanyang mga kasambahay, na mas gusto niyang tawaging "angels."

Source: Instagram
Ayon kay Sharon, ang ilan sa kanyang staff ay kasama na niya mula pa noong nagsisimula siya sa kanyang career hanggang sa paglaki ng kanyang mga anak.
Bilang treat, isinama ni Sharon ang kanyang mga angels sa isang mall. Makikita sa video ang saya ng kanyang staff habang pumipili ng kanilang mga damit at gamit.
Matapos pa nga mamili ng mga damit, in-encourage pa mismo ni Sharon ang kanyang mga kasambahay na mamili rin ng mga bags na pwede nilang gamitin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa dulo ng vlog, nagbiro pa nga ang Megastar tungkol sa pagtakas niya bago pa siya magbayad ng pinamili ng kanyang mga "angels" sa bahay.
Ang nasabing vlog ay umani ng papuri mula sa mga netizens na humanga sa pagiging mapagkumbaba at mapagbigay ng aktres sa kanyang mga tauhan.
"Sobrang bait niyo po kaya pinagpala kayo, ingat po kayo lagi."
"Ang sarap naman staff ng nag-iisang Megastar na si Shawie, napakabait niya."
"Lahat ng kasama ni Megastar eh super blessed, mabait kasi na tao si Mega."
"Kay Ma'am Sharon talaga namana ni Miss KC yung kababaang loob, grabe."
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Sharon Cuneta ay isang aktres at singer sa Pilipinas na kilala bilang 'Megastar' sa industriya. Sinimulan niya ang kanyang karera sa murang edad, at agad na sumikat sa kanyang awiting Mr. DJ noong dekada 70. Mula noon, sunod-sunod ang kanyang tagumpay sa pelikula, telebisyon, at musika at nagwagi siya ng maraming parangal sa larangan ng entertainment sa bansa. Ilan sa kanyang mga iconic na pelikula ay Bituing Walang Ningning, Madrasta, at Caregiver. Sa personal niyang buhay, siya ay asawa ni Francis 'Kiko' Pangilinan at ina ng aktres na si KC Concepcion.

Read also
Gladys Reyes, nagbahagi ng madamdaming mensahe para sa wedding anniversary nila ni Christopher Roxas
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay naging emosyonal si Sharon Cuneta dahil sa isang viral video. Nag-circulate kasi sa social media ang pagkikita ni Sen. Kiko Pangilinan at Helen Gamboa. Kasama pa nga ni Helen ang kanyang anak na si Ciara Sotto sa meetup. Dahil dito, talagang naantig ang puso ng nag-iisang Megastar.
Samantalang noong taon din na iyon ay naging usap-usapan si Sharon Cuneta dahil sa kanyang post. Sa Instagram, binalikan ni Sharon ang kanyang panayam kay Vic Chou noon. Ibinahagi rin niya ang kanyang ibinigay na mga regalo sa Taiwanese star. Aniya Sharon, sana raw ay makapayanam niya ulit si Vic at ang ibang 'F4' stars.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
