Mariel Padilla, nagbahagi ng nakakaantig na pagbati para kay Kylie Padilla

Mariel Padilla, nagbahagi ng nakakaantig na pagbati para kay Kylie Padilla

  • Ipinagdiwang kamakailan ni Mariel Padilla ang kaarawan ng kanyang stepdaughter na si Kylie Padilla
  • Binigyang-diin ni Mariel na ang ganda ni Kylie sa labas ay walang sinabi sa kagandahan ng kalooban nito
  • Inilarawan niya si Kylie bilang isang responsableng ina, mahusay na aktres, at mapagmahal na anak
  • Bukod pa rito ay binanggit din ni Mariel na lagi umanong sinasabi ni Robin Padilla na si Kylie ang kanyang "sweetest daughter"

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling ipinamalas ni Mariel Padilla ang kanyang napakalapit na ugnayan sa pamilya ng kanyang asawang si Robin Padilla. Sa isang Instagram post, nagbigay si Mariel ng isang napakatamis na mensahe para sa kaarawan ng kanyang stepdaughter na si Kylie Padilla.

Mariel Padilla, nagbahagi ng nakakaantig na pagbati para kay Kylie Padilla
Mariel Padilla, nagbahagi ng nakakaantig na pagbati para kay Kylie Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram
"Your beauty on the outside is nothing compared to the beautiful person you are inside," ang naging paglalarawan ni Mariel kay Kylie. Ayon sa host, si Kylie ay isang "wonderful mother, a talented actress, and an amazing artist."

Tinawag din niya itong "best big sister" para sa kanyang mga anak at isang "sweet, thoughtful daughter."

Read also

Benj Manalo, may matamis na mensahe para sa wedding anniversary nila ni Lovely Abella

Ibinahagi rin ni Mariel ang isang trivia mula kay Robin Padilla. "Your dad always says you are his sweetest daughter," dagdag pa ni Mariel na may kalakip na heart emoji.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Para kay Mariel, si Kylie ay isang taong responsable, genuine, mabait, at matalino, kaya naman "anyone is lucky to be your friend."

Nag-post din si Mariel ng serye ng mga larawan na nagpapakita ng kanilang bonding moments. Kasama rito ang litrato ni Kylie kasama ang mga anak ni Mariel, isang sweet photo ni Kylie habang nakayakap sa kanyang amang si Robin, at mga throwback pictures nilang dalawa ni Mariel sa iba't ibang okasyon.

"You deserve all the love and happiness today and always," pagtatapos ni Mariel sa kanyang pagbati.

Swipe left para makita pa ang iba:

Si Mariel Padilla ay isang kilalang TV host sa Pilipinas. Nakilala siya bilang isa sa mga host ng noontime show na Wowowee at kalaunan ay naging bahagi rin ng It's Showtime. Maliban dito, naging visible siya sa iba't ibang programa ng ABS-CBN at TV5. Kilala siya sa kanyang husay sa pakikipag-ugnayan sa mga manonood at pagiging natural sa harap ng kamera. Sa personal na buhay, si Mariel ay ikinasal kay Robin Padilla noong 2010. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak na babae. Kilala rin siya sa pagiging hands-on na ina at madalas niyang ibinabahagi sa social media ang kanyang motherhood journey. Bukod sa showbiz, naging abala rin siya sa ilang business ventures at online content creation, na lalo pang nagpalapit sa kanya sa mga fans.

Read also

Anne Curtis, muling bumanat sa Showtime habang pino-promote ang 'The Loved One'

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Mariel Padilla sa Instagram upang batiin ang kanyang matalik na kaibigan na si Toni Gonzaga sa kaarawan nito. Binigyang-pugay ni Mariel ang kanilang mahigit 20 taon na pagkakaibigan sa loob at labas ng industriya. Nag-reply si Toni sa post at nagpahayag ng kanyang pasasalamat at pagmamahal para kay Mariel.

Samantalang noong 2025 ay nag-react si Mariel Padilla sa pahayag ng DTI na posibleng makapaghanda ng Noche Buena sa halagang ₱500 lamang. Ibinahagi ni Mariel na "na-trigger" siya sa naging pahayag na ito ng DTI. Sinubukan pa niya mismo pagkasyahin ang P500 matapos siyang ma-challenge. Gayunpaman, iginiit niya na naniniwala siyang "the Filipinos deserve more" kaysa sa P500 na budget.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco