Bianca Gonzalez, naglabas ng saloobin ukol sa tourism: "Totoo, bakit ganun"

Bianca Gonzalez, naglabas ng saloobin ukol sa tourism: "Totoo, bakit ganun"

  • Kamakailan ay sumang-ayon si Bianca Gonzalez sa obserbasyong mas mahal mag-travel sa loob ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asia
  • Ibinahagi ng host na ang kanilang trip sa Siargao ay mas magastos pa kaysa sa pagpunta sa mga bansang Hong Kong, Bangkok, o Vietnam
  • Binigyang-diin niya na nagiging mahirap suportahan ang lokal na turismo dahil sa matataas na presyo
  • Ang kanyang post ay bilang reaksyon sa panawagan ni Gregorio Larrazabal na gawing mas mura ang flights sa loob ng bansa

Muling naging usap-usapan sa social media ang isyu ng mahal na gastusin sa paglalakbay sa loob ng Pilipinas matapos maglabas ng kanyang opinyon ang kilalang TV host na si Bianca Gonzalez-Intal.

Bianca Gonzalez, naglabas ng saloobin ukol sa tourism: "Totoo, bakit ganun"
Bianca Gonzalez, naglabas ng saloobin ukol sa tourism: "Totoo, bakit ganun" (@iamsuperbianca)
Source: Instagram

Sa isang post sa X (dating Twitter), tinalakay ni Bianca ang realidad na kinakaharap ng maraming Pilipino pagdating sa pagpili ng kanilang travel destinations.

"Totoo. Bakit ganun," ang naging panimula ni Bianca bilang pagsang-ayon sa post ng dating COMELEC Commissioner na si Gregorio "Goyo" Larrazabal.

Read also

Anne Curtis, muling bumanat sa Showtime habang pino-promote ang 'The Loved One'

Ayon kay Larrazabal, mahirap kumbinsihin ang mga Pilipino na bumisita sa iba't ibang parte ng bansa kung mas mura pa ang lumipad patungong Hong Kong, Singapore, o iba pang ASEAN destinations.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"How can you convince Filipinos to travel to other parts of the Philippines, when it’s cheaper to fly to Hong Kong, Singapore or other ASEAN destinations, than it is to fly to some tourist destinations IN the Philippines?" aniya Larrazabal.

Nagbigay din si Bianca ng konkretong halimbawa base sa kanyang sariling karanasan.

"We booked a trip to Siargao and it is more expensive than a trip to Hong Kong, Bangkok, or Vietnam," pagbabahagi niya.

Dahil sa ganitong sitwasyon, aminado ang host na nagiging isang malaking hamon ang pagtangkilik sa sariling atin.

"Mas mahirap suportahan ang lokal na turismo dahil ang mahal," dagdag pa niya.

Ang post ni Bianca ay umani ng libo-libong likes at reposts mula sa mga netizens na nakakaranas din ng parehong problema. Marami ang umaasa na pakikinggan ng mga kinauukulan ang panawagan na gawing mas "affordable" ang mga flights at accommodation sa loob ng Pilipinas upang mas lalong lumakas ang lokal na industriya ng turismo.

Read also

Gladys Reyes, nagbahagi ng madamdaming mensahe para sa wedding anniversary nila ni Christopher Roxas

Si Bianca Gonzalez-Intal ay isang sikat na Filipina television host, model, at advocate. Nakilala siya sa pamamagitan ng pagho-host sa iba't ibang programa. Kalaunan ay naging regular host siya ng sikat na Pinoy Big Brother franchise. Higit pa sa kanyang career sa telebisyon, kilala rin si Bianca sa kanyang mga advocacies. Noong 2010, siya ay hinirang bilang UNICEF Philippines Child Rights Supporter. Samantalang sa kanyang personal na buhay, pinakasalan niya ang professional basketball player na si JC Intal noong December 2014, at mayroon silang cute na dalawang anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay napa-react kamakailan si Bianca Gonzalez sa bagong satire video ni Macoy Dubs. Sa Instagram, nag-post kasi si Macoy Dubs ng isang "GRWM Nepo Edition" na video. Dito ay umarte si Macoy Dubs na tila may fine-flex siyang "Europe haul" umano. Dahil dito, agad na napa-comment si Bianca tungkol sa pagbabayad ng taxes.

Read also

Vice Ganda, napahirit sa diretsong sagot ni Anne Curtis sa basher: "Ay may umorder ng pika"

Samantalang noong taon din na iyon ay nagkaroon ng pagkakataon si Bianca Gonzalez na makapanayam ang actress-singer na si Maris Racal. Sa kanyang podcast na Paano Ba 'To, ibinahagi ni Bianca ang matatag na paglalakbay ni Maris sa showbiz. Matapos ang kanilang interview, nagpunta si Bianca sa Instagram at inalala ang unang pagkikita nila ni Maris. Hindi na nakapagtataka na agad naging viral ang post ni Bianca sa mga netizens at fans ni Maris.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco