Rufa Mae Quinto, may mensahe kay Moira dela Torre matapos ang viral nilang performance
- Ibinahagi ni Rufa Mae Quinto ang kanyang pagkatuwa matapos makatagpo at makasama sa pagkanta ang singer na si Moira dela Torre
- Sa post, pabirong napansin at nabanggit ng komedyante na magkasing-height lang sila ni Moira
- Nag-post din sila ng isang nakakatawang video sa Instagram kung saan kumasa sila sa isang trend
- Inilarawan ni Rufa Mae si Moira bilang isang "cute and shy" na kaibigan at sinabing hindi siya nagsisisi na makilala ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling naghatid ng saya sa social media si Rufa Mae Quinto matapos niyang i-post ang kanyang naging bonding moment kasama ang singer-songwriter at hitmaker na si Moira dela Torre. Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Rufa Mae ang kanyang katuwaan sa pagkakataong makatrabaho at makasama ang singer.

Source: Instagram
"I’m really glad to sing and meet you," ang bungad na mensahe ni Rufa Mae para kay Moira.
Bukod sa pagkanta, hindi pinalampas ng komedyante ang pagkakataon na mag-biro tungkol sa kanilang height.
"Pati height natin pala same, di lang ako nakapag-high heels," hirit pa niya sa kanyang caption.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa isang viral video, makikitang magkasama ang dalawa habang masayang humaharap sa camera. Bagama't kilala si Moira sa kanyang mga sikat na kanta, kitang-kita ang kanyang mga ngiti habang kasama ang energetic na si Rufa Mae.
Ayon kay Rufa Mae, "So cute and shy hehe," daw itong si Moira sa personal. Samantalang sa pagtatapos ng post, aniya Rufa Mae, "Love you sisy! Hinde naman ako nag sisi na makilala ka."
Maraming netizens ang talagang naaliw sa pagkasa ng dalawa sa 'Illegal' na trend sa social media lalo na't nag-viral ang kanilang stage performance ng 'Paubaya' para sa sikat na programang 'ASAP.'
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Rufa Mae Quinto ay isang kilalang Filipina aktres at komedyante. Kilala siya sa kanyang campy na humor at natatanging istilo sa pagpapatawa, na naging dahilan upang maging mahalagang personalidad siya sa kulturang pop ng Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong 1996 sa variety show na That's Entertainment. Sa takbo ng kanyang karera, naging bahagi siya ng maraming matagumpay na pelikula. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Trevor Magallanes noong 2016 at biniyayaan sila ng anak na babae na si Athena noong 2017.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay diretsahang sinagot ni Rufa Mae Quinto ang ilang mga akusasyon sa kanya. Sa isang 21-minute vlog, in-address ni Rufa Mae ang pagpanaw ng mister niya. Aniya Rufa, may mga ilan daw na nag-iisip na kumupit o kumubra siya ng pera. Say ng aktres, "Marami pong nag-isip na masaya ako dahil kinubra ko yung pera niya."
Samantalang noong taon din na iyon ay naging usap-usapan si Rufa Mae Quinto dahil sa kanyang bagong online post. Sa Instagram, nag-reflect kasi ang actress-comedian tungkol sa kanyang buhay. Aniya Rufa, sa dinami dami ng kanyang pinagdaanan, siya ay depressed pa rin. Gayunpaman, nagawa pa ring magbiro ni Rufa sa kanyang viral Instagram post sa gitna ng lahat.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

