Ina ni Candy Pangilinan, makakauwi na matapos ang 9 na araw nito sa ospital
- Sa wakas ay makakauwi na ang ina ni Candy Pangilinan matapos ang siyam na araw na pananatili nito sa ospital
- Nagpahayag ng pasasalamat si Candy sa lahat ng mga nurse at staff na nag-alaga sa kanyang ina
- Binigyang-pugay rin niya ang mga doktor na tumingin sa kalagayan ng kanyang ina habang ito ay naka-confine
- Ibinahagi rin ni Candy ang video ng kanyang ina habang sumasabay sa light exercises bago ang kanilang discharge
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang mahigit isang linggong pag-aalala, masayang ibinalita ng aktres at komedyanteng si Candy Pangilinan na makakalabas na ng ospital ang kanyang mahal na ina. Sa isang Instagram post mula sa St. Luke's Medical Center sa BGC, ipinahayag ni Candy ang kanyang katuwaan at pasasalamat sa muling paggaling nito.

Source: Instagram
"After 9 days in the hospital we are finally going home," saad ni Candy sa kanyang caption.
Sa kanyang video update, makikita ang kanyang ina na nakaupo sa isang recliner chair habang sinusunod ang mga movements ng isang healthcare professional para sa kaunting stretching.
Bukod sa update na ito ay hindi rin nakalimutan ni Candy na isa-isahin ang mga medical experts na naging bahagi ng paggaling ng kanyang ina. Pinasalamatan niya ang medical team na pinangunahan nina Dr. Cordova (Cardiologist), Dr. Gabonada (Infectious Doctor), Dra. Zamora (Rheumatologist), Dr. Cua (Gastrointestinal), at Dr. Yambao (Cardiologist Rehab).
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Thank you to all doctors who meticulously and passionately treated my mom," dagdag pa niya.
Sa huling bahagi ng kanyang post, nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga tagahanga at kaibigan na nag-alay ng panalangin para sa kanila.
"Special thanks for all who prayed with us and for us. You know who you are," mensahe ni Candy.
Kitang-kita ang relief at saya sa mukha ng mag-ina habang naghahanda silang bumalik sa kanilang tahanan matapos ang matagumpay na gamutan.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Candy Pangilinan ay isang beteranang Filipinang aktres at komedyante na kinikilala sa kanyang malawak na kontribusyon sa pelikula at telebisyon. Sa kabuuan ng kanyang karera, gumanap si Candy ng maraming supporting roles sa mga romantic comedy at pati na rin sa mga sitcom sa telebisyon. Bukod sa pag-arte, isa rin siyang manunulat at negosyante. Mayroon siyang anak na lalaki na si Quentin, at kilala rin siya bilang isang mapagmahal at dedikadong ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay ipinagdiwang ni Candy Pangilinan ang ika-22 kaarawan ng kanyang anak na si Quentin sa isang taos-pusong pagbati sa Instagram. Sa kanyang post, tinawag ni Candy si Quentin na kanyang "ticket to heaven," na nagpapakita ng kanilang malalim na samahan. Ibinahagi rin ng aktres ang mga masayang sandali ng kanilang selebrasyon.
Samantalang ay muling nagbigay ng aliw at tawa si Candy Pangilinan sa social media. Ibinahagi kasi niya ang screenshot ng kanilang text conversation ng anak niya na si Quentin. Sa usapan, nagpaplano sila tila tungkol sa darating na misa, at si Quentin ay masiglang nakikipagpalitan ng mensahe. Agad namang nag-viral ang kanilang convo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

