Andi Eigenmann, nagbalik-tanaw sa naging buhay niya bago lisanin ang showbiz
- Inilarawan ni Andi Eigenmann ang taong 2016 bilang "golden" dahil sa dami ng kanyang naging tagumpay
- Sa kabila ng ningning ng kanyang career, inamin ng aktres na palihim siyang nakipaglaban para sa kanyang mental health
- Ang mga simpleng adventure kasama ang anak na si Ellie ang nakatulong sa kanya na mahanap ang buhay na hinahanap niya
- Binigyang-diin niya na ang pag-alis sa spotlight ay naging daan para sa kanyang "peace"
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang madamdaming pagbabalik-tanaw ang ibinahagi ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram tungkol sa naging takbo ng kanyang buhay sampung taon na ang nakararaan. Para sa aktres, ang taong 2016 ang nagsilbing "turning point" kung saan naranasan niya tagumpay sa kanyang karera bago niya pinili ang mas tahimik na buhay.

Source: Instagram
"2016, for me, was golden," panimula ni Andi sa kanyang caption.
Maraming magagandang alaala ang binalikan niya, kabilang na ang pagdalo sa Cannes Film Festival kung saan nakita niyang gumawa ng kasaysayan ang kanyang nanay na si Jaclyn Jose bilang unang Asian Best Actress winner.
Sa taon ding iyon, napanalunan ni Andi ang kanyang kauna-unahang FAMAS Best Actress award. Ngunit sa likod ng mga kwentong ito, may mabigat palang pinagdadaanan ang aktres.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Behind the bright lights, I was quietly struggling with my mental health, carrying battles no one could see," pag-amin ni Andi.
Sa gitna ng pagsubok na ito, nagsimula siyang mag-explore ng mga iba't ibang "islands" at sumama rin siya sa maliliit na adventure kasama ang panganay na anak niya na si Ellie.
Dito niya natagpuan ang tunay na kaligayahan sa payak na pamumuhay sa tabing-dagat.
Ayon kay Andi, ang mga karanasang ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na tuluyang lumayo sa mundo ng showbiz para sa kanyang mental health at kapayapaan ng isip. Para sa kanya, ang 2016 ay hindi lamang tungkol sa pagiging matagumpay, kundi tungkol sa "becoming" o kung sino na siya ngayon.
Swipe left para makita pa ang ibang photos:
Si Andi Eigenmann ay isang Pilipinang aktres, modelo, at social media personality. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Nagmula siya sa isang kilalang pamilya sa showbiz—ang kanyang ina ay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, at ang kanyang ama ay si Mark Gil, isang batikang aktor. Nakilala si Andi sa kanyang pagganap bilang bida sa ABS-CBN fantasy drama na Agua Bendita. Sa mga nagdaang taon, lumayo na siya sa mainstream showbiz upang yakapin ang mas payapang pamumuhay sa isla. Lumipat siya sa Siargao kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, at ang kanilang mga anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging matagumpay ang unang prank ni Andi Eigenmann sa kanyang partner na si Philmar Alipayo. Kunwaring niregaluhan ni Stevie Eigenmann si Andi ng isang mamahaling dekorasyon na bato. Nakakatawa ang naging reaksyon ni Philmar nang malamang nagkakahalaga umano ang bato ng 17,000 pesos.
Samantalang ay sinagot ni Andi Eigenmann ang gulat ng marami sa kakayahan ni Ellie Ejercito na mag-Bisaya. Ayon kay Andi, "way more fluent" pa sa kanya si Ellie dahil limang taong gulang pa lang ito nang lumipat sila sa isla. Ikinatuwa ng mga netizens ang napanood na video kung saan nakikipaglaro si Ellie kina Lilo at Koa Ejercito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

