Karla Estrada, ibinahagi ang kanyang mga naging pagninilay para sa taong 2026
- Pinili ni Karla Estrada na pansamantalang huminto at huminga nang malalim sa pagpasok ng bagong taon
- Naniniwala ang aktres na ang buhay ay hindi perpekto, ngunit ito ay puno ng pag-asa at mga "himalang tahimik"
- Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pasasalamat at pananatiling "nakatapak sa lupa"
- Hangad ni Karla na maging taon ng biyaya, paggaling, at layunin ang 2026 para sa lahat ng Pilipino
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa pagbubukas ng taong 2026, isang makabuluhang mensahe ang ibinahagi ng aktres at host na si Karla Estrada sa kanyang mga followers. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Karla ang kanyang masayang aura habang naglalakad sa isang magandang resort, sa tabi ng pool, suot ang isang puting summer dress.

Source: Instagram
"Sa pagpasok ko sa 2026, pinipili kong huminto sandali, huminga nang malalim, at tunay na mag-isip isip," panimula ni Karla sa kanyang caption.
Ayon sa kanya, mahalagang yakapin ang buhay kung ano man ito, kahit hindi pa nga ito perpekto.
"Hindi perpekto, ngunit puno ng pag-asa at mga himalang tahimik ngunit totoo," dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang pagpapahalaga sa kalikasan na nagpapaalala sa kanya na maging mapagpasalamat at wag magmadali sa buhay.
"Pahalagahan ang ganda ng kalikasan na nagpapaalala sa akin na bumagal, manatiling nakatapak sa lupa, at maging mapagpasalamat," pahayag ni Karla.
Bukod pa rito ay hindi rin nakalimutan ni Karla na magpaabot ng pagmamahal para sa bayan at sa mga Pilipino.
"Piliin at mahalin ang ating bayan at ang mga tao nito at ang kanilang mga kuwento—na hinubog ng tibay ng loob, kabutihan, at pag-asa," aniya.
Dasal niya na ang 2026 ay maging taon ng "biyaya, paggaling, at layunin" habang ang bawat isa ay humahakbang pasulong nang may bukas na puso.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Karla Estrada ay isang Filipina actress, singer, at television host na kilala sa kanyang mga papel sa pelikula at teleserye. Naging bahagi siya ng iba't ibang TV shows at pelikula mula sa ABS-CBN. Bukod sa pag-arte, sumabak din siya sa pagkanta. Mas lalo pa siyang nakilala sa telebisyon bilang isa sa mga co-host ng morning talk show na Magandang Buhay, kung saan nakilala siya sa kanyang pagiging prangka at makuwelang personalidad. Sa personal na buhay, si Karla ay ina ng aktor at dating Teen King na si Daniel Padilla, pati na ng kanyang iba pang mga anak na sina JC, Magui, at Carmella. Bukas siya sa pagbabahagi ng kanyang karanasan bilang single mom at inspirasyon sa maraming ina na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay binura ni Karla Estrada ang mga haka-haka tungkol sa diumano’y pagbabago sa kanyang facial features. Lumabas ang mga haka-haka na ito matapos mapanood ang kanyang emotional na pakikipag-usap sa anak na si Lella. Binigyang-diin ni Karla na mas mahalagang mag-focus sa mga aral para sa mga anak at nanay kaysa sa itsura niya.
Samantalang ay kinilig si Karla Estrada matapos niyang i-post ang video ng anak niyang si Lella Ford at ni Joaquin Arce sa Bahay ni Kuya. Tila tukoy ni Karla ang naramdaman ng kanyang anak nang makita ang clip. Ang viral clip ay nagpakita kasi ng closeness kina Lella at Joaquin habang sila ay nag-uusap dalawa. Ang reaksyon ni Karla ay nagpatindi sa kilig ng mga "LelQuin" fans.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

