Panibagong post ni Ruffa Gutierrez, viral: "Husband pending"
- Nag-post si Ruffa Gutierrez ng isang masayang video sa Instagram habang nagli-lipsync sa kantang 'Where is My Husband!'
- Sa kanyang caption, pabirong sinabi ng aktres na ang kanyang status ngayon ay "living my best life"
- Ipinasilip din ni Ruffa ang kanyang bagong "fresh cut" at hair color matapos bumisita sa isang salon
- Maraming netizens at malalapit na kaibigan, gaya ni Marjorie Barretto, ang nag-like sa nasabing nakakaaliw na post
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Mukhang ine-enjoy muna ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang kanyang buhay dahil sa kanyang pinakabagong Instagram post, isang nakakaaliw na video ang ibinahagi ng aktres.

Source: Instagram
"Babyyyy, where the hell is my husband?" ang naging caption ni Ruffa, hango sa linyang kinanta niya sa video.
Ayon sa aktres, sa ngayon ay abala muna siya sa pagpapaganda at pag-aalaga sa sarili.
"Status: Living my best life... husband pending," biro pa niya na may kasama pang nakakatawang emoji.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod sa kanyang nakakaaliw na pagkanta, ipinagmalaki rin ni Ruffa ang kanyang bagong look para sa 2026.
Katatapos lang daw niyang sumailalim sa isang collagen treatment, hair color, at "fresh cut" mula sa paborito niyang salon. Sa video, kitang-kita ang ganda at ningning ng aktres habang fine-flex nito ang kanyang bonggang look nitong taon.
Agad namang umani ng positibong reaksyon ang post na ito mula sa kanyang mga tagahanga at kapwa celebrities. Isa sa mga unang nag-like ay ang kanyang kaibigan na si Marjorie Barretto. Para sa marami, inspirasyon si Ruffa sa pagpapakita na hindi kailangang magmadali sa pag-ibig at mas mahalagang mahalin muna ang sarili habang "pending" pa ang susunod na kabanata ng kanyang buhay.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas World at nagwaging Second Runner-Up sa Miss World na ginanap sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, mayroon siyang dalawang anak na babae — sina Lorin at Venice — kasama ang dati niyang asawang si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, ipinagpatuloy din niya ang kanyang pag-aaral sa Philippine Women’s University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022, at nagsilbi itong inspirasyon sa maraming kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay humiling ng panalangin si Ruffa Gutierrez para sa kanyang ama, si Eddie Gutierrez. Sumailalim kasi si Eddie sa kanyang unang spinal procedure sa Singapore. Nag-post ang aktres ng mga larawan nila kasama ang kanilang ama sa ospital. Dahil dito ay labis namang nagpasalamat ang Pamilya Gutierrez sa lahat ng nagpapakita ng suporta at nagdarasal para sa kanilang tatay.
Samantalang noong taon din na yun ay ipinagdiwang naman ni Ruffa Gutierrez ang kaarawan ni Donita Rose sa pamamagitan ng isang taos-pusong tribute sa Instagram. Nag-post siya ng photo collage na nagpapakita ng kanilang matatag na pagkakaibigan. Nagbigay din siya ng mainit na pagbati para sa kaligayahan ni Donita. Ipinahayag din niya ang kanyang pagmamahal at pasasalamat para sa kanyang kaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

