Ice Seguerra, nagbahagi ng emosyonal na mensahe para sa ika-13 "meetsary" nila ni Liza Diño

Ice Seguerra, nagbahagi ng emosyonal na mensahe para sa ika-13 "meetsary" nila ni Liza Diño

  • Ipinagdiwang ni Ice Seguerra ang ika-13 anibersaryo ng muling pagkikita nila ng asawang si Liza Diño
  • Sa kanyang Instagram post, inamin ni Ice na mas naging mabuti siyang tao dahil sa pagmamahal at presensya ni Liza sa kanyang buhay
  • Ibinahagi rin ng singer ang katuwaan sa ideya na sabay silang tatanda at magbabago ang pamumuhay habang magkasama
  • Nag-post si Ice ng "throwback" at bagong larawan nila ni Liza para ipakita ang kanilang naging journey sa loob ng mahigit isang dekada

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang madamdamin at puno ng pag-ibig na mensahe ang ibinahagi ng singer-songwriter na si Ice Seguerra para sa kanyang asawa na si Liza Diño. Sa Instagram, ginunita ni Ice ang espesyal na araw kung kailan sila muling pinagtagpo ng tadhana matapos ang mahabang panahon na wala silang ugnayan sa isa't isa.

Ice Seguerra, nagbahagi ng emosyonal na mensahe para sa ika-13 "meetsary" nila ni Liza Diño
Ice Seguerra, nagbahagi ng emosyonal na mensahe para sa ika-13 "meetsary" nila ni Liza Diño (@iceseguerra)
Source: Instagram
"13 years mula nung nagkita tayo ulit pagkatapos ng 13 years nang walang communication," ani Ice sa kanyang caption.

Read also

Judy Ann Santos, ipinagdiwang ang 10th birthday ng bunsong anak niya na si Luna

Ayon sa kanya, tila napakabilis lumipas ng oras, at sa kabila ng maraming pagsubok ay mas lalo pang lumalim ang kanilang pagmamahal.

"Ang sarap ng buhay dahil kasama ka na. Ang sarap isipin na mas naging mabuti akong tao dahil sa iyo," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakakaaliw din ang naging obserbasyon ni Ice tungkol sa kanilang pagtanda at pagbabago ng mga gawi.

Biro niya, mula sa pagsusuot ng "bik*ni p*nty" noon ay "high cut" na ang gamit ngayon, at mula sa mga "night out" ay mas komportable na sila sa tahimik na pamumuhay.

"Nakakakilig isipin na kasama kitang tatanda," pahayag ng singer sa naturang post.

Tinapos ni Ice ang kanyang post sa isang pangako ng katapatan sa asawa niyang si Liza.

"Sa bawat pagbabago ng buhay, ikaw at ikaw lang ang gustong makasama. Sa bawat saya at lungkot, pagkadapa at paglipad... ikaw lang," mensahe niya para kay Liza.

Maraming fans ang na-touch sa "meetsary" greeting na ito, na nagpapatunay na ang tunay na pag-ibig ay nakakahanap ng paraan para magbalik sa tamang panahon.

Read also

Eric Quizon, dinepensahan ang legacy ng amang si Dolphy

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Ice Seguerra ay isang sikat na aktor at singer sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera bilang child star sa segment na 'Little Miss Philippines' sa Eat Bulaga!, at mula noon ay lumabas na siya sa mga pelikula at palabas sa telebisyon, kabilang ang sikat na Okay Ka, Fairy Ko!. Bukod sa husay niya sa pag-arte, kilala rin siya bilang singer-songwriter. Samantalang noong 2014, nagbago ang kanyang opisyal na pangalan mula Aiza Seguerra patungong Ice Seguerra at ibinunyag na nga niya sa publiko ang pagiging transgender niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay namahagi ng kanyang karanasan bilang chairperson noon ng NYC si Ice Seguerra. Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, napag-usapan nila ang National Youth Commission. Dito ay nag-open up si Ice sa kanyang mga ikina-frustrate bilang chairperson noon. Aniya pa nga niya sa aktres sa kanilang viral interview, "I felt like I'd be cheating the youth."

Read also

Dianne Medina, nagbahagi ng emosyonal na pagbati para sa kanyang mga yumaong magulang

Samantalang noong buwan din na iyon ay muling naghatid ng good vibes si Ice Seguerra sa social media dahil sa video niya. Kamakailan ay nag-react kasi si Ice sa lumang scene nila ng aktor na si Spencer Reyes. Matatandaang si Spencer lang naman kasi ang dating ka-love team ni Ice sa showbiz na kinakiligan ng maraming fans noon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco