Dianne Medina, nagbahagi ng emosyonal na pagbati para sa kanyang mga yumaong magulang
- Nag-post si Dianne Medina ng isang madamdaming tribute sa Instagram para sa kaarawan ng kanyang yumaong ama at ina
- Inamin ng aktres na bagama't tahimik silang nagdiriwang, labis pa rin niyang pinangungulilaan ang presensya ng dalawa
- Ibinahagi ni Dianne na may mga pagkakataong siya ay nag-"completely break down" dahil dito
- Sa kabila ng lungkot, kumukuha siya ng lakas sa paniniwalang kapiling na ng Panginoon ang kanyang mga magulang
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang taos-pusong pagkilala at pagbati ang ibinahagi ng aktres at host na si Dianne Medina para sa kaarawan ng kanyang yumaong mga magulang.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Dianne ang isang edited na larawan ng kanyang ama at ina na tila nasa langit, kasabay ng isang caption na nagpahayag ng kanyang matinding pangungulila.
"Hi, Daddy and Mommy, Happy Birthday Daddy and Mommy in heaven," ang bungad ni Dianne sa kanyang post.
Ayon sa aktres, kahit na lumipas na ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang kanyang nararamdaman.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"I carry you both in every prayer, every tear, and every silent moment. Life has never been the same without you," dagdag pa niya.
Naging tapat din si Dianne sa pagsasabing hindi madali ang mabuhay nang wala na ang kanyang mga magulang.
"There are moments when I completely break down, but I’m trying my best Mommy and Daddy!" pag-amin ng aktres.
Minsan daw ay iniisip niya na siya ay bata muli para muling maramdaman ang security at pagmamahal na naranasan niya sa piling ng kanyang mga magulang.
Sa huli, ang tanging nagbibigay ng kapanatagan sa puso ni Dianne ay ang paniniwalang nasa mabuti na silang kalagayan.
"Knowing that you are both now in the presence of the Lord is what comforts my heart," aniya.
Tinapos ni Dianne ang kanyang tribute sa isang matamis na "love you forever and ever" para sa kanyang "Daddy and Mommy."
Si Dianne Medina ay isang Filipina actress at TV host. Bukod sa kanyang unang mga proyekto sa pag-arte, nakilala si Dianne bilang isang mahusay at versatile na TV host at presenter. Naging host siya ng mga morning shows sa PTV‑4, naging bahagi rin ng mga segment ng GMA gaya ng Unang Hirit, at lumabas sa mga teleserye ng GMA tulad ng Beautiful Strangers. Sa likod ng camera, co-founder siya ng isang events management company. Sa kanyang personal na buhay, kasal siya sa aktor na si Rodjun Cruz mula noong 2019, at mayroon na silang dalawang anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong November 2025 ay ipinakita nina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang bago nilang investment na bahay, na aniya ay "early birthday gift" mula sa Diyos. Ang bagong ari-arian ay matatagpuan sa Quezon City at idaragdag nila sa kanilang house rental business. Pinasalamatan ni Dianne si Rodjun, at idiniin na ang kanilang tagumpay ay bunga ng "teamwork" at paglilingkod sa Diyos.
Samantalang noong September 2025 ay nagbahagi ng nakakadurog-puso na photo si Dianne Medina sa kanyang account. Picture ito ng kanyang anak na si Joaquin sa harap ng casket ng kanyang Lolo Papa Toy. Matatandaang pumanaw na ang ama ni Dianne na si Prisco Medina noong September 5. Naantig talaga ang puso ng ilan sa tinanong ni Joaquin sa kanyang mommy sa burol.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

