Sue Ramirez, nagpaliwanag matapos ma-postpone ang operasyon ng kanyang ina
- Ibinahagi ni Sue Ramirez na hindi muna matutuloy ang nakatakdang operasyon ng kanyang ina
- Nagkaroon kasi ng sakit ang kanyang ina na si Mommy Chit, kaya kailangan muna itong gumaling bago ang surgery
- Nanawagan ang aktres para sa patuloy na panalangin para sa kalusugan at paglakas ng Mommy Chit niya
- Hangad ni Sue na maging handa ang isip at katawan ni Mommy Chit para sa "pain of recovery" pagkatapos ng operasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapos ang naunang update na matutuloy na ang surgery, isang panibagong balita ang ibinahagi ni Sue Ramirez tungkol sa kanyang ina na si Mommy Chit Dodd.

Source: Instagram
Sa kanyang pinakabagong Instagram story, ipinaalam ng aktres na kailangang i-postpone ang nakatakdang "open heart surgery" dahil sa isang bagong komplikasyon.
"My mom’s operation was postponed because she developed pneumonia," paliwanag ni Sue sa kanyang post. Ayon sa aktres, kailangang nasa "good condition" muna ang lungs ng kanyang ina bago sila muling magtakda ng bagong petsa para sa operasyon nito.
Dahil sa dagdag na pagsubok na ito, muling nakiusap si Sue sa kanyang mga followers at mga taong nagmamalasakit sa kanilang pamilya ukol kay Mommy Chit.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Please continue to pray for her health and healing. That her lungs recover fully, that she gains the strength she needs for the operation," aniya.
Nais din ni Sue na maging handa ang "mind and body" ng kanyang ina para makayanan ang sakit habang nagpapagaling pagkatapos ng surgery nito ngayong taon.
Sa huli, hindi nawawalan ng pag-asa ang aktres na malalampasan nila ang matinding hamon na ito.
"We also pray that she gets well soon so we can finally take her home," pagtatapos ni Sue sa kanyang madamdaming post.
Maraming fans ang patuloy na nagpapaabot ng kanilang suporta at dasal para sa mabilis na pag-recover ni Mommy Chit.

Source: Instagram
Si Sue Ramirez ay isang kilalang Filipina actress at singer. Pumasok siya sa showbiz noong 2010 nang masali siya sa Star Magic, at agad naman na nagtamo ng mga supporting roles sa palabas gaya ng Mula sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, at Dolce Amore. Sa paglipas ng panahon, naging lead actress si Sue at umangat sa local show business. Naging pangunahing kontrabida pa nga si Sue sa The Broken Marriage Vow kung saan nakatanggap siya ng labis na papuri mula sa mga viewers dahil sa kanyang nakakabilib at mahusay na pagganap bilang si Lexy Lucero.

Read also
Lian Paz, naging emosyonal sa pagbabalik-tanaw niya sa taong 2025: "It was a year of surrender"
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay labis na nagpakilig si Sue Ramirez dahil sa kanyang panibagong post. Muli kasing nag-travel si Sue kasama ang kanyang nobyo na si Dominic Roque. Sa Instagram page niya, ipinasilip ni Sue ang sweetness at pagiging cozy nila ni Dominic. Ngunit ang nagpa-viral sa picture ay ang palitan nila tungkol sa pagiging "swerte."
Samantalang noong July 2025 ay nag-viral si Sue Ramirez dahil sa kanyang posts. Sa Threads, ibinunyag ni Sue ang mga "habits" na kanya nang binitawan na for good. Aniya pa nga ng aktres, akala niya noon ay mahihirapan siyang tanggalin ang mga ito. Gayunpaman, nagawa niya ito, at marami ang talagang bumilib sa kanyang determinasyon kung kaya't siya ay labis na pinuri.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
