Lian Paz, naging emosyonal sa pagbabalik-tanaw niya sa taong 2025: "It was a year of surrender"
- Ibinahagi ni Lian Paz ang mga 'never-before-seen' na larawan mula sa kanyang kasal kay John Cabahug noong September 2025
- Inilarawan ng dating dancer ang nakaraang taon bilang panahon ng pagtitiwala sa plano ng Diyos at paghihintay
- Makikita sa mga larawan ang matatamis na photos nila ni John mula sa naturang ceremony
- Nagpasalamat din siya sa kanyang asawa na si John para sa mahabang paghihintay nito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sinalubong ni Lian Paz ang bagong taon nang may pusong puno ng pasasalamat habang inaalala ang isa sa pinakamahalagang kaganapan sa kanyang buhay noong 2025—ang kanyang pagpapakasal kay John Cabahug.

Source: Instagram
Sa isang madamdaming Instagram post, ipinasilip ni Lian ang mga larawan mula sa kanilang espesyal na araw na hindi pa nakikita ng publiko.
"2025 taught me patience, healing, and trust in God’s timing," panimula ni Lian sa kanyang caption.
Ayon sa kanya, ang nakaraang taon ay naging puno ng "silent prayers" at "unseen battles," ngunit napatunayan niyang ang paghihintay ay hindi walang saysay kundi isang paghahanda para sa isang "holy beginning."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"I closed 2025 married, amazed by God’s perfect timing!" masayang pahayag ng aktres.
Makikita sa mga larawan si Lian na nakasuot ng isang eleganteng white wedding gown, habang may suot na tiara at hawak na bouquet ng white roses. Kasama rin niya sa mga litrato ang kanyang asawa na si John na nakasuot naman ng tradisyunal na Barong Tagalog.
Hindi rin nakalimot si Lian na pasalamatan ang kanyang katuwang sa buhay sa naturang viral post.
"And yes, I know you have waited so long Anjan Cabahug, Thank you Mahal ko. Boss ko, Daddy Love ko. My Leonhardt," mensahe niya para kay John.
Ang post na ito ay umani ng maraming pagbati mula sa mga tagahanga na sumaksi sa mahabang journey ng pag-ibig ng dalawa.
Swipe left para makita pa ang ibang photos:
Si Lian Paz ay isang dating Filipina aktres at mananayaw na sumikat bilang miyembro ng sikat na dance group na EB Babes, na kilala sa kanilang mga performances at paglabas sa pelikula, telebisyon, at music videos. Bukod sa pagiging dancer, sumubok din siya sa pag-arte at lumabas sa ilang proyekto sa TV at pelikula, kadalasan bilang supporting actress. Dahil sa kanyang galing at charm, naging pamilyar ang kanyang mukha sa showbiz, ngunit kalaunan ay iniwan niya ang industriya upang mag-focus sa kanyang personal na buhay. Bukod pa rito ay nakilala rin si Lian bilang dating asawa ng komedyanteng si Paolo Contis, kung saan mayroon silang dalawang anak na sina Xonia at Xalene. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan, natagpuan ni Lian ang bagong pag-ibig sa kanyang asawang si John Cabahug.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong December 2025 ay nag-post si Lian Paz ng sulat at handmade na regalo mula sa kanyang bunsong anak na si Niña. Ang mga regalo ay mga singsing at pulseras na gawa sa papel, inspirasyon ng brand na Pandora. Lubos na naantig si Lian sa ganda ng sulat ni Niña na nagpapahayag ng pagmamahal nito sa kanya. Aniya Lian, napakasarap daw talaga maging isang ina.
Samantalang noong October 2025 ay naging usap-usapan online si Lian Paz, dating EB Babe, dahil sa kanyang bagong post. Sa Instagram, nagbahagi si Lian ng isang candid photo nina John Cabahug at Paolo Contis. Sa post, biniro niya ang dalawa na agad namang nagbigay-aliw sa maraming netizens sa social media. Matatandaang nagkita-kita sina Lian, John, at Paolo noong August, na naging laman ng mga balita.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

